Kabanata 70Mark My Words
"Etong T shirt bees, magbihis ka muna, baka magkasakit ka niyan..." Si bees habang inilalahad sakin ang isang puting T shirt at shorts.
Ngumiti ako ng tipid bago yun tinanggap. Hindi na ako nagsalita pa. Tumayo ako at hinay hinay na naglakad papuntang CR ng kwarto ni bees para magbihis.
Oo na. Wala na talaga akong mapuntahan ng mga oras na 'to kundi si Carley. Isa pa, miss ko na rin ang babaeng 'to. Nong nagdoorbell nga ako ay gulat na gulat siya. Pinagalitan ako kung bakit daw ba ako nagpapaulan. Kaya agad niya akong pinapasok ng mansyon nila at dinala sa kwarto niya kahit basang basa ako.
Hindi muna siya nagtanong sakin at yun nga pinaliligo at pinagbibihis ako.
Naligo na ako saka agad na sinuot ang damit na bigay ni Carley. Bahing pa ako ng bahing dahil sa lamig.
"Bakit ka ba kasi basang basa bees? Anong nangyari?" Yun agad ang tanong niya nong nakalabas na ako ng CR.
Umupo ako sa kanyang kama at niyakap ang mga binti ko. Sumunod si bees sakin at hinarap ako. Nakakunot ang noo niya at ang mga mata'y punong puno ng pag aalala at kuryosidad.
Ngayon ko lang napagtanto na ang laking oras ang sinayang ko para makasama 'tong bestfriend ko.
Kinagat ko ang labi ko para sa nagbabadyang mga luha. Ang emotional ko!
"Bees..." Nakanguso at malambing na sabi ni Carley at niyakap ako.
It took me so much courage to stop myself from crying out loud. Jusko! Ang dami ko nang iniyak sa araw na 'to! At kung pupwede lang ay gusto ko munang makalimot! Ayokong may naalala.
"I'm sorry bees kung ang kapal ng mukha ko at sayo ko pa naisipang lumapit." Sabi ko.
Inihiwalay niya ako sa yakap at doon ko lang nakitang umiiyak pala ang bruha.
Suminghot siya. "Ano ka ba! You don't know how much I'm happy right now kasi kinausap mo na ako. Na ikaw na mismo ang lumapit sakin...Hinintay ko ang time na 'to no!"
Napangiti ako. Oo nga naman. "Pasensiya na kung umiwas ako..." Agad agad niya akong pinutol.
"Kasalanan ko naman. Siguro kung iba yun hinding hindi na ako papatawarin pa..." Bakas sa boses niya ang lungkot at pagsisisi.
Umiling nalang ako. "Kung iba yun papatawarin ka rin. At siyempre dahil bestfriend kita e."
Lumawak ang ngiti sa labi niya at niyakap akong muli. "Salamat Belle! Ang bait mo talaga e no!" Niyakap ko nalang siya pabalik.
Pero agad din naman siyang bumitiw. "Ang haggard mo bees..." Komento niya habang nililibot ang mata sa mukha ko. Tinakpan ko nga.
"Matagal na 'kong haggard bees," sabi ko.
Tinanggal niya ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. Kita ko ang panunuri niya sa mukha ko. "Namamaga ang mga mata mo... Nagpaulan ka pa...Pumunta ka dito...Care to tell me what happened Belle?" Humalukipkip siya.
Ako nama'y napatungo. Actually, pumunta talaga ako dito kay Carley para may makausap ako. Gusto ko lang siyang tanungin kung tama ba ang naging desisyon ko...
Hindi sa nagsisisi ako sa ginawa ko...
Hindi ka diyan. Mukha mo.
Inangat ko ang tingin sa ngayo'y naghihintay sa sagot kong si bees. "Si Waju kasi..." Simula ko.
Naramdaman ko ang biglang pagiging attentive ni Carley. Inayos niya ang pagkakaupo sa harap ko. "What about him? May nangyari ba? Naaksidente?" Sunod sunod niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...