Kabanata 23

2K 47 2
                                    


Kabanata 23

Love Rain

Nagising ako dahil sa mainit na pag tama ng araw sa mukha ko. Pagtingin ko sa oras, 6:40.

Waah! 6:40?! Oh my God! Dali dali akong bumangon at pumasok ng CR. Matapos ay humarap ako ng salamin para magsuklay. Nang makita ko ang repleksiyon ko sa salamin. Waah! Puffy eyes!

Grabe, late na nga akong natulog, umiyak pa ako. Kumusta naman ang mata ko? Nakakainis talaga, ang pangit ko na nga, pumangit pa.

Lecheng Waju ka talaga! Palagi mo na lang akong pinapaiyak! Hindi na nagsawa tong peste kong mga mata!

Dali dali na akong bumaba at pumuntang kusina. Agad ko namang nakita si Mama.

"Ma, good morning po. Asan si Papa?" Busy si Mama sa pagpapalaman kaya hindi siya nakatingin sakin. Mabuti nga sana, para hindi niya makita ang mugto kong mga mata.

"Nauna na sa trabaho anak—-t-teka, anong nangyari dyan sa mga mata mo?" Nagaalalang tanong ni Mama. Aish! Akala ko hindi na niya mapapansin.

"Ahm—"

"Umiyak ka ba anak?" Aish. Kilala talaga ako ni Mama, hindi kasi ako basta basta umiiyak. Last kong umiyak na mugto ang mata ko ay 'yung pagsabi nila na huminto na akong magdrum. Yun lang.

"Ah—k-kasi po," lumapit naman sakin si Mama at hinawakan ang pisngi ko.

"Hindi kita pipiliting magsabi sa ngayon, hahayaan kita. Hihintayin ko na lang pagready ka na, okay?" Kahit mapangasar si Mama, siya na ang pinakamabait na nanay para sakin. Ngumiti ako kay Mama saka siya niyakap.

"Opo Mama, salamat po."

Hindi na ako kumain, nagdala na lang ako ng pangsnack sa bag at saka sumakay papuntang school.

Pagkadating ko sa gate kitang kita ko na si Bees, napangiti naman agad ako, pero agad yung napawi ng mapansin kong may kasama siya—Si Waju.

"Hi bees! T-teka, anong nangyari sa mata mo?" Binalik ko naman ang tingin ko kay bees saka pilit na ngumiti.

"W-wala to bees, nagkaroon lang kami ng misunderstanding ni Mama kagabi." I lied. Sorry bees, hindi ko naman pwedeng sabihing dahil sa kanila. Never.

"Ah, akala ko kung ano na. Tara," at nagsimula na kaming lumakad patungong first class namin. Nagigitnaan namin si Waju, na kanina pa walang imik. Wow ha, tumitiklop pala siya pag kasama si bees, pero pag ako lang parang abnormal sa sobrang kakulitan.

Ewan ko kung bakit pakiramdam ko ang awkward ng atmosphere samin habang naglalakad kami patungong class room. Pinagtitinginan rin kami—or sabihin na nating sila. Pinagtitinginan silang dalawa, at epal lang ako sa kanila. Rinig ko nga rin ang bulungan ng mga estudyante kung bulungan pa ba ang tawag dun.

"Wow. Siya na ba ang papalit kay Faith? In fairness, may mukha siya."

"Yeah right gurl, bagay naman sila ni Prince Warren. Kaya, okay lang."

"I object. Sa tingin ko, mas bagay si Prince Warren sa bago nilang manager, look, ang simple niya at cute!" Literal akong napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin sila bees. Tiningnan nila ako at parang nagtatanong kung bakit ako huminto kaya nagsign lang akong wala saka nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Naglalaro pa rin sa isip ko ang last na sinabi ng babae kanina, ewan ko lang kung narinig ba nila bees. I hope not.

Sinabi ba niya talagang mas bagay kami? Aaminin ko kinilig ako dun, konti nga lang. Pero sapat na para makangiti ako ngayong araw.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon