Kabanata 33Chua’s Company
Ang bilis ng oras. Monday na naman at nandito ako ngayon sa gym. May practice ang buong team at nalalapit na rin ang championship laban sa White Demons sa kabilang school.
Prrrrt!!!
Signales na timeout nila. As usual lumapit sila sakin para kumuha ng mga maiinom.
Nang si Waju na ang lumapit sakin ay tinanong ko siya.
"Waju, nakita mo ba si bees?" Tanong ko dito. Wala kasi si bees dito sa gym eh. Sabi sa room, excuse din daw siya.
"Si Carley? Nasa labas ata, kasama ng ibang cheerdancers."
"Cheerdancers?"
"Oo. Bakit? Hindi pa ba niya nasasabi sa'yo?" Nagtatakang tanong niya.
"Sinabing ano?"
"Na kasali na siya sa Cheerdance ng school." T-teka, bakit di ko yun alam?
"A-ah, okay."
Bumalik na rin ang team para magpractice uli pero ang isip ko ay nandun pa rin sa pagsali ni bees ng cheerdance.
Hindi naman sa ayaw ko na sumali siya, pero sa pagkakaalala ko, ayaw na ayaw niya sa cheerdance.
FLASHBACK
Hapon ng vacant namin ay pumunta na muna kami ng gym ni bees. Hindi kami pumasok, dito lang kami sa labas, may bench naman dito eh.
Saktong-sakto na pagkaupo na pagkaupo namin, may grupo ng mga babae ang dumaan sa harap namin.
"Oh, great. Look, who's here," mataray na pagkakasabi ni Faith. Siya ang cheerleader ng cheerdance dito sa school. Kilala siyang angel 'daw' dahil sa sobrang kabaitan, pero hindi nila alam na nasa loob ang kulo ng babaeng to. Also, she's the girlfriend of the great prince of the school, Warren.
"Ano na namang kailangan mo samin ha?" Mataray ring sagot ni bees habang ako ay tahimik lang na nanonood sa gagawin nila. Ayaw ko sa mga away.
"Well, wala naman. It's just to make you realize that I'm way more than beautiful than you, bitch." Parang nagpantig ang tenga ko dun sa narinig ko kaya tumayo na ako at hinarap din si Faith.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...