Kabanata 28

1.8K 40 2
                                    

This is a special chapter.

Kabanata 28

Confession

WAJU

"Matuto kang tumigil kapag nasasaktan ka na, kaya ka nagmahal para maging masaya, 'di para maging tanga."

"Mahal kita...mahal na mahal... kahit sobrang sakit na."

Napamura ako nang biglang umikot ang aking pakiramdam sa agarang pagbangon. Waring tinutusok ng libo-libong karayom ang aking utak sa labis na sakit. Bumungad sa paningin ko ang aking pamilyar na kwarto. What the hell happened? Who brought me here?

Ibinaba ko ang paa sa sahig. Pumikit ako nang mariin. Damn it! My head freaking hurt! Tangina naman, Warren Jude! Sino bang may sabi sa'yong maglasing ka!

Idiniin ko ang dalawang palad sa aking mukha. Nakatuko ang dalawang siko sa tuhod. Habang iniinda ang hangover ay tila alon na bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kahapon.

Umaga, habang nagmamaneho papuntang paaralan ay kailangan ko munang dumaan sa paaralan ng White Demons team, ang makakalaban namin. Magpapatuloy na ako noong mahagip ng mata ko ang dalawang tao sa gilid. Dalawang pamilyar na tao. I won't look back if they are just mere people, but hell, it was Carley and the asshole, Harold! Hugging each other! Damn it! Bakit sila magkayakap? Carley, paano ako?

My knuckles on the wheel turned white. Sa sobrang galit ko ay hindi ako nagpakita sa kanila. Para saan? Para pagtawanan nila? Para ipamukha nila kung ano ang meron sila? Fuck! I won't let that fucking asshole to win again! Inagaw na niya si Faith, ngayon si Carley naman. Makakapatay ako ng hayop kapag tumigil ako ngayon.

Carley is mine. I love her. Minahal ko na siya noong pinakauna palang. Kahit wala akong karapatang magselos, tangina, selos na selos ako ngayon! Just the mere sight of watching him hugging and entertaining other boy than me is killing me!

I won't stop until she becomes mine. Now that I've found her, only a fool would let her go again.

Pumasok ako saglit sa klase. Sa galit ko ay hindi ko parin matingnan sa mata si Carley. Gusto kong malaman niyang may mali siyang nagawa. Lumabas rin ako agad kahit hindi pa tapos ang klase. Pumunta ako ng gym. Ibinabad ko ang sarili sa court, sa ring. Ibinuhos ko lahat ng aking galit sa paglalaro, mag-isa. This has been my stress reliever. Nang labasan na ay nauna akong lumabas. Deretso ang aking daan papuntang bar. I want to drink it all. I want to pour this ache out. Kahit ngayong gabe lang. Hindi ako nag-set ng praktis ngayon. Sinabi kong may mahalaga akong gagawin. If I tell them I will drown myself in alcohol, those idiots would stop me. They know I have low alcohol tolerance. I want to do it alone.

I found my way to the bar counter. The party is yet starting. Some sexy girls went up and try to talk to me but I shoved them away. Isang babae lang ang gusto kong maging kalandian. Ngunit higit pa sa kalandian ang gusto kong mangyari sa amin.

"The strongest alcohol, please," The bartender immediately provided me one. Umikot ang aking mga daliri sa maliit na goblet. I lift it up and drink like a hot water. The heat burned from my throat down to my stomach.

"Another one," I requested, trying to maintain the oneness of my vision. Everything seems dancing in front of me. Kahit iyong bartender na iisa lang kanina naging dalawa, tatlo, apat na ngayon.

"Ito po, Sir..."

Dere-deretso kong ininom iyon. Sabi ko magpapakalunod ako. I ordered another one... then two... three... four... until I can't count it anymore. The memory of her in Palawan... her little and innocent face... her cute lips... the waves of memories were brushed off by the painful view of her hugging someone else. Nasuntok ko ang mesa nang wala sa oras. The shocking noise were covered by the loud noise of the alive music. Iyong bartender lang ang nagulat.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon