Kabanata 37

2K 36 0
                                    

Kabanata 37

Detention

Nagising ako ng hawak-hawak ang mini minions na ibinigay ni Waju sakin 'nung magpunta kaming apat sa Enchanted Kingdom.

Binalik ko na 'yun sa may bedside table ko saka tumayo. Tiningnan ko naman ang repleksiyon ko sa salamin, ang laki ng eyebags ko saka mga dark circles sa ilalim ng mata ko. Kamukha ko na si Corazon (Ang unang aswang) dahil sa itsura ko ngayon, grabe talaga.

Pumasok na ako ng CR para maligo pagkatapos ay inayos ang sarili ko. Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Pagkapasok ko ng kusina, andun na rin si Papa at Mama. Hindi ako sanay na ganito katahimik ang bahay na 'to.

"Good morning po," bati ko at nagbeso-beso ako sa kanila.

"Good morning din anak, kain na at baka malate ka pa," sinunod ko naman 'yung sinabi ni Mama. Umupo na ako at kumain. Mga tunog lang ng kutsara at tinidor, pati ata pagnguya namin ang maririnig dito. Si Papa, tahimik lang at walang kibo ni hindi man lang niya ako tinitingnan. Tiningnan ko naman si Mama, nagtama ang paningin namin pero agad din siyang umiwas.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ni itsura ko ngayon hindi man lang sila nagcomment.

Naunang natapos si Papa,

"Alis na ako," hindi man lang siya tumingin samin, kahit ang halikan si Mama sa pisngi na lagi niyang ginagawa sa tuwing aalis siya.

Napabuntong hininga nalang uli ako. Akala ko magiging okay na ulit kami nila Papa pagkatapos naming mag-usap kagabi. Mas lalo pa atang lumala eh. Ang cold na ni Papa.

Ano ba talaga ang problema mo Papa?

"Anak, tapusin mo na ang pagkain mo, baka malate ka pa." sinulyapan ko si Mama, bahagya siyang ngumiti sakin, nginitian ko siya pabalik. Ito 'yung gusto ko kay Mama eh, kahit napakabigat na ng atmosphere nagagawa niya pa ring ngumiti na parang okay lang.
Nakakahawa ang ngiti ni Mama.

"Aalis na po ako ma," sinundan ako ni Mama hanggang sa mini gate namin, na hindi niya naman gawain.

"Mag-ingat ka anak. Atsaka, huwag mo muna masyadong isipin ang Papa mo okay? Magiging okay rin siya," Niyakap naman ako ni Mama.

"Ikaw rin Ma, hindi po bagay sa inyo ang nakasimangot," bahagyang ngumiti si Mama.

"Sige anak,"

Sumakay na ako papuntang school, mga ilang minuto lang ang nakalipas ng makarating na rin ako.

Pumasok na ako ng gate ng school ng may humarang sa daraanan ko. Pero hindi ko nalang sila pinansin, ang dami ko pang problemang kailangan pansinin kesa sa kanila. Kahit sinabi na ni Mama na huwag kong problemahin ang problema nila ay hindi ko maiwasan. Problema ko rin ang problema ng magulang ko.

"Hoy pangit! " deretso lang.

"Abat! Dinedma ang beauty ko?!" napatigil ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko. Hindi pala ako nakajacket ngayon, nakalimutan ko.

Tiningnan ko ang humawak sa braso ko, nangangaliiti na siya sa galit, nanlalaki na rin ang butas ng ilong niya at... at halos bumaon na ang kuko niya sa braso ko sa sobrang higpit ng hawak niya. Masakit.

Tinitigan ko lang siya kung ano ang sasabihin at gagawin niya. Ang dami na ring mata ang nakatingin samin.

"Akala mo kung sino ka kung makaasta Lantigo," kilala niya ako. Ang sama pa rin ng tingin niya sakin. Hayy. Wala akong time para sa mga away na ganito. Pagod ako at walang tulog. Ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga. Magpahinga. At magpahinga.

"Ano ba talaga ang kaylangan mo sakin miss? Malalate na ako oh. At kung hindi ka aware, hindi ginawa ang balat ko para libingan ng mga patay mong kuko, kaya please, pakibitawan," Walang gana kong sabi. Rinig ko pa ngang nagtawanan ang ibang mga estudyante na nanonood samin ngayon. 'Yung iba naman hindi makapaniwala. Lalong-lalo na ang babaeng ito na may hawak sa braso ko. Mabuti nalang 'nung sinabi ko iyon tinanggal niya agad ang pagkakahawak sakin.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon