Kabanata 61

2.2K 32 1
                                    

Kabanata 61

My Girl

Agad akong napaatras kay Waju na parang napaso. Ngunit parang hindi man lang siya natinag sa biglang pagsulpot ng Daddy niya.

Napayuko akong bigla. Anak naman ng mga inahing manok! Naabutan LANG naman kaming nag, ehem, nagkikiss ni Waju! And to make it worst, ang Daddy niya pa ang nakakita! Jusme! Huminga ako nang malalim para maibsan ang mabilis na tibok ng puso ko. Kinakabahan ako dahil sa lamig at seryosong mukha ni Mr. Chua habang pasalin salin ang tingin saming dalawa.

Halos tumili naman ako nang bigla akong hinapit ni Waju sa beywang sa kabila ng nakakabinging katahimikang nakabalot samin.

"Well, what are you TWO doing here in Palawan?" mapang usisang tanong ng Daddy ni Waju. Napalunok tuloy ako. 

"Outing," kalmado at simpleng sagot ni Waju. Nanatili lang akong tahimik doon.  Bukod sa medyo na iintimidate ako sa Daddy niya ay ayaw ko ring magsalita. I didn't force myself to speak any words, parang bigla nalang umurong ang dila ko.

I heard the old man sigh. At halos mapaatras pa ako (kung di lang ako hawak ni Waju sa beywang) dahil sa biglang pagbaling ni Mr. Chua sakin. He eyed me with those deep set of eyes, naalala ko tuloy ang mga mata ni Waju, parehong pareho.

"And you, you're the, well, daughter of Gregorio right?" Napatingin ako nang deretso sa kaniyang nakakatakot na mga mata, na parang palaging may binabalak, 'yung parang may alam siyang hindi mo alam.

Tumango ako. "Opo." Sagot ko.

"What are you doing here Dad?" Matabang na tanong ni Waju. Binaling niya naman ang tingin niya sa kaniyang anak.

"Business, of course. May iba pa?" Napatigil ako doon. 

 Tiningnan ko si Waju, but he only smile, a fake one tho.

"Sabagay. E si mommy? Kasama mo?" kibit balikat niya. 

"Yes. You don't told us you're here." Sagot ng kaniyang Dad at muli akong tiningnan. Agad akong nag iwas ng tingin.

Hindi ko alam. Sa tuwing nakikita ko ang mga matang 'yun, kinakabahan ako bigla. At natatakot, naalala ko pa ang narinig kong pag uusap nila ni Papa noon sa kompanya. 'Yung about sa isyu niya kay Mama, at ang isyu niya sa sarili nilang pamilya. Naalala ko pa, na hanggang ngayon ay nagdudusa pa rin si Papa dahil sa pagkaselfish ng Daddy ni Waju.

Bigla kong naramdaman ang pag aalab ng galit ko sa taong ito. He's dangerous. Selfish. Evil. Control freak. Hindi ko alam kung may ugali bang ganun si Waju, but his Dad is really one.

Naisip ko, bakit di nalang siya makuntento sa kung anong meron siya ngayon? May pera sila. May asawa siya. May anak. In short, may pamilya siyang dapat niyang pagtuunan ng pansin dahil siya ang ama. Responsibilidad niya 'yun bilang haligi ng tahanan. Kung totoo mang gusto niya pa si Mama, at gusto niya itong makuha, kaya niya bang ipagpalit ang pamilya niya para sa pansarili niyang kagustuhan? Kaya niya bang sirain ang sarili niyang pamilya at manira ng iba para makuha lamang ang gusto niya? Tss. That's a selfish thing to do.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay si Mr. Chua sakin. At bigla nalang ngumisi. "What kind of look is that young lady?" nakangisi nitong tanong. Nakita ko pang napalingon din si Waju sa may parte ko. 

Bigla akong napaiwas ng tingin. Hindi ko namalayang sobra ng sama ang tingin ko sa taong 'to. Well, yes, ama siya ng taong mahal ko, pero hindi ko siya sasantuhin kung ganyan ang ugali niya. Parang nabawasan ang respeto ko sa kaniya bilang nakatatanda at bilang ama na rin ni Waju.

"Hey Jab. Ayos ka lang? You're shaking." Narinig ko ang pag-aalala sa boses ni Waju. Umiling lang ako.

"Nilalamig na kasi ako." Sabi ko. Half truth. Pero ang isa pa ay nanginginig ako sa galit na hindi ko alam kung saan nagmula.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon