Kabanata 52

2.1K 40 15
                                    

Dedicated kay baby Mitchie na sobrang supportive. Love you!

Kabanata 52

The Means

Saktong-sakto rin nang bigla rin silang napatingin sakin. Napahinto sila sa paglalakad at gulat na napatingin sakin, pero naglakbay din ang mga mata nila sa likod ko.

Bigla nalang kinalas ni Xyrel ang pagkakahawak ni Carley sa braso niya. Tiningnan ko ang ekspresyon ng mukha niya, pero wala akong nakita na kahit anong emosyon-blanko.

"Ano 'to?" Halos malaglag ang puso ko sa kaba nang marinig ang nakakatakot na boses ni Waju sa likod ko.

Sa kabila ng mga ingay ng estudyante sa paligid, pero pakiramdam ko nabingi ako sa katahimikang namamayani ngayon samin.

May pakiramdam akong may hindi magandang mangyayari. Ang pangit ng atmosphere.

"Ano 'to?" Ulit ng mas nakakatakot na boses ni Waju ngayong nasa tabi ko na siya.

Tiningnan ko si Sungit, pero hindi siya nakatingin saming dalawa ni Waju, kundi nasa paligid lang ang mata niyang blanko. Si bee-I mean Carley, nakayuko lang. Ako naman purong naguguluhan lang. Kahit parang may pakiramdam na ako, ay mas pinili kong manahimik na lamang. Ayokong makisali. At ayokong kompirmahin sa sarili ko na tama ang hinala ko.

Gusto kong umalis at iwan sila, pero parang may nagsasabi saking huwag umalis at dito lang. Kaya, hindi nalang ako umalis. I just stayed there, quietly. Kahit maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko, I chose to be quite.

"I'm. asking." Sinubukan kong pigilan ang paghinga ko ng ilang sigundo para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon. Ghaad. Nakakatakot magalit si Waju. I knew.

Tiningnan ko si Waju ng alanganin at kitang kita ko ang dilim ng mga titig niya, at ang nakaigting niyang mga panga, masyado ring nakatikom ang bibig niya signales na nagtitimpi lang talaga siya. Bumaba ang tingin ko sa nakakuyom niyang kamao na halos gusot na mga letters nalang ang nakita ko na bigay siguro ng mga fans niya kanina. Kawawang papel.

"We're... w-we're just-" putol putol na sabi ni Carley, pero napahinto rin siya nang biglang hawakan ni Xyrel ang kamay niya. Maging ako man ay nagulat dahil sa ginawa niya.

Nakaawang ang bibig ko at naglakbay ang mga tingin ko mula sa gulat na mukha ni Carley patungo sa blankong mukha ni Xyrel.

He looked at me first, halos manlumo pa ako ng lamig sa mga mata niya lang ang nakita ko, hindi tulad noon na sa tuwing titingin ako sa mga mata niya, feel ko 'yung warm at welcome dun, pero ngayon, pakiramdam ko parang stranger lang ako sa paningin ni Xyrel.

Sunod niyang tiningnan si Waju ng mas malamig pa sa tingin niya sakin. Kita ko ang paghigpit ng hawak ni Xyrel sa kamay ni Carley, at ramdam ko na agad pagpipigil hininga ni Waju sa tabi ko.

"We're engaged, if that's answer your damn question." Matigas ang bawat bigkas ng salita ni Xyrel.

Bago pa man magsink-in sa utak ko ang sinabi niya, ay nakita ko nalang bigla ang pagsugod ni Waju kay Xyrel.

"Damn you Xyrel! Damn you!" Galit na sigaw ni Waju habang kinwelyuhan niya si Sungit na wala pa ring ekspresyon ang mukha kahit sinasakal na siya ni Waju.

Kita ko ang pagpipigil ni Carley kay Waju, pero di niya magawa.

Habang gulat na nakatingin sa pangyayaring nagaganap ngayon sa harap ko, hindi ko maiwasang maalala 'yung scene kung saan aksidente kong narinig ang pag-amin ni Carley na mahal niya si Xyrel. I closed my eyes for a moment. Sumisikip ang dibdib ko.

"You're a fucking bullshit!" Puro lang mura ang naririnig ko galing kay Waju. Dahil sa gulat ko sa mga nangyayari, nakalimutan kong nasa open area pala kami kung saan maraming studyante ang nakakakita. Rinig ko na ang bulung-bulungan sa paligid dahil sa suntukang nagaganap sa harapan ko.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon