Kabanata 31

2.2K 45 1
                                    


Kabanata 31

Triple D—Double Date Disaster


Shit.

Hindi ako palamurang tao, pero sa sobrang gulat ko, wala na akong ibang masabi at hindi na ako makakilos. Ewan ko kung anong problema sa paa at mga mata ko, pero para silang glue na nakadikit at hindi na kayang kumilos pa. Ang mga paa ko parang dumikit na ata sa sahig at nakalimutan ng maglakad. Ang mga mata ko naman parang naka-glue at nakatingin lang sa kanila habang papalapit na sila sa direksiyon ko.

Sa sobrang gulat ko, parang naparalyzed na ang katawan ko.

Unti-unti, papatingin na sila sa direksiyon ko...

Not until, may isang taong umakbay sa balikat ko.

Xyrel.

"Bella," ang pagdating ni sungit, somehow, parang nakahinga ako ng maluwag. At least, hindi na ako nag-iisa. Andito na si Sungit.

Hinarap ko siya at nakita kong nag-aalala ang mukha niya.

"Sungit, bakit?" Pilit akong ngumiti sa kaniya, pero mas lalo lang kumunot ang noo niya.

Napapout nalang ako.

"Oo na. Hindi na kita maloloko." Gumuhit naman ang isang munting ngiti sa mga labi niya at binalik ang pagkaka-akbay sakin.

Saktong-sakto, napaharap ako sa kanila, at nagulat naman ako nung nasa harapan na pala namin sila. Pinapanood kami.

Ng magtama ang mga mata naming lahat, wala ni isang nagsalita samin.

Kami, naka-akbay si Xyrel sakin---ewan ko kung bakit hindi ko pa rin inaalis ang pagkaka-akbay niya sakin. At sila, bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila na---na mahigpit ang pagkakahawak na akala mo ayaw nilang bitawan ang isa't-isa.

Ang awkward ng atmosphere, hanggang sinubukan ko ng basagin ang katahimikan. Mukhang wala silang balak magsalita eh.

"Uhm, bees! Saan kayo pupunta?" Sinubukan kong siglahan ang boses ko at ngumiti sa kanila. Sana lang, hindi mahalata ni bees.

"Ah, may---uhm, may d-date kasi kami ni Warren. K-kayo?" Bakit parang mukha siyang balisa at gulat? Diba, dapat masaya siya kasi magdedate sila?

Magsasalita pa sana ako 'nung si Sungit na ang sumagot.

"We also have a date." At ang kaninang kamay niya na nasa balikat ko ay dahan-dahang bumaba at hinawakan ang kamay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakakilos.

Anong ginagawa mo sungit?

Naguguluhan pa rin ako, date? Hindi naman kami nagdedate ah. Kadadating pa nga lang niya eh.

Tumingin ako kay sungit, na seryosong-seryoso pa rin.

"T-teka, anong---" sinamaan niya naman ako ng tingin at parang sinasabing,

"Just go with the flow, will you?"

O-okay? Ano na namang iniisip ng sungit na 'to?

"Ah! O-oo nga! He, he." Awkward pa akong tumawa.

"Ow, great! Bakit, hindi na lang tayo mag, mag-double date?" Gulat naman akong tumingin kay Waju dahil sa sinabi niya. As in, seryoso siya dyan? Hindi siya nagbibiro?

"Ayoko ng-----" agad namang pinutol ni sungit ang pag-poprotesta ko.

"Sure," sagot ni sungit. Okay, ano ba talagang balak ng isang ito?

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon