Kabanata 53

2.1K 37 6
                                    

Kabanata 53

Stay

"Atzzing!" Hindi ko na mabilang kung pang-ilang bahing ko na ba 'to magmula kanina hanggang sa pagdating namin sa condo ni Waju.

"I'm sorry," mahinang sambit niya sakin nang binuksan niya ang pinto ng condo niya for us to come in. Agad niya rin namang binuksan 'yung mga ilaw sa loob.

Dumeretso siya sa pagpasok sa kwarto niya habang ako ay nanatili lang na nakatayo sa may pinto habang pinipisil pisil ang ilong ko. Ang kati kasi.

"Ha...haching! Shezzz!"

"Here, ikaw na maligo. Bilis." Sabay abot niya sakin ng T-shirt niyang puti at boxer, pati na rin tuwalya. Tinaasan ko siya ng kilay, he do the same.

"What?" Tanong niya sakin. Mabilis kong iniling ang ulo ko at walang imik na lamang na tinanggap ang mga damit niyang inaabot sakin. Mabilis akong tumakbo papasok ng CR niya. Narinig ko pa ang konti niyang halakhak.

Namula tuloy ako habang sinasampay ang mga susuutin ko sa loob. Seriously? Kailangan pati boxer niya, ipagamit sakin? Err.

Dahil masyado ng malamig sa pakiramdam ay di na ako umangal. Binuksan ko nalang ang hot shower saka pinalandas ang mainit na tubig sa kanina ko pa nanlalamig na katawan. Ang sarap sa pakiramdam.

Feel na feel ko pa 'yung pagligo ko kung hindi lang sumigaw si Waju sa labas.

"Hoy Jab! May plano ka pang lumabas dyan?" Sigaw niya.

Binilisan ko tuloy ang pagligo ko at agad na sinuot ang damit niya. "Andyan na! Sorry naman.." Sabi ko nang makalabas na ako.

Naabutan ko pa siyang nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa mismong pinto ng CR. Naconcious pa ang lola niyo ng pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa gamit ang mapanuri niyang mga mata.

Ngumisi lang siya sakin sabay hawi niya sa braso ko para pumasok ng CR at maligo. Napataas nalang ako ng kilay. "What was that?" Bulong ko sa sarili bago dumeretso sa may full-length mirror niya para magsuklay.

Rinig ko hanggang dito ang kaluskos ng tubig mula sa CR niya. Kinagat ko nalang ang labi ko. Shiz! Tumigil ka nga Belle! Huwag mong pagnasahan ang broken hearted na tao!

Habang busy ako sa kabaliwan ko ay biglang tumunog ang phone sa basa kong bag dahilan para mapatalon ako sa gulat. Agad ko namang dinaluhan 'yon at hinanap ang cp ko sa loob. Buti nalang at waterproof ang bag kong 'to at di nabasa ang mga gamit ko sa loob.

Pagtingin ko sa screen ay pangalan agad ni mama ang nakita ko.

"Hello ma..?"

"Rose Belle! Nasaan ka?" Ramdam ko pa ang pag-aalala sa boses niya. Natigilan naman ako sa tanong ni Mama. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Na andito ako sa condo ng isang lalaki? Specifically, ni Waju? At ano namang iisipin ni mama?

"Uhm..nasa...bahay po ng kaibigan ko mama." Mahinang sabi ko at umupo sa malambot at asul na kama ni Waju. Tumahimik sandali sa kabilang linya.

"Kaibigan? Sinong kaibigan?" Kinagat ko ang labi ko. Total kilala naman ni Mama si Waju, might as well maging honest nalang ako. Wala naman kaming ginagawang masama ni Waju para magsinungaling.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Kay Warren po."

"Warren? Warren Chua?" Paninigurado ni Mama. Tumango naman ako, ngunit mabilis ding napagtanto na di niya pala ako nakikita. "Opo ma."

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon