A/N: Let's continue our journey to the story of our Masungit. His Third Downfall po ang title. Sana'y supurtahan niyo rin siya kagaya ng pagsuporta niya sa ating Manhid! Thank you so much! xoxo
---EPILOGUE
Parte ng pagmamahal ang magpakamartyr.
Parte ng pagmamahal ang magpakamanhid.
Nagiging martyr ka kasi nagmamahal ka. Nagtitiis ka, kahit nasasaktan na kasi mahal na mahal mo siya. Yung tipong kahit paulit ulit ka na niyang dinurog, bawat parte ng wasak mong pagkatao, nagmamahal pa rin sa kaniya.
May mga taong ayaw maging martyr. Yung nasaktan ka niya, then boom, let go agad. Kasi, katangahan na daw 'yung sinaktan ka na nga, 'yung ginamit ka na, pero nanatili ka pa rin.
Pero, alam mo 'yung choice? Choice mo 'yan e. Choice mo kung titigil ka na, o mananatili pa rin. Choice mo ang mag move on, o ang ma stuck. Choice mo ang magpakamartyr o magpakamanhid. Kasi, hinding hindi mo naman natuturuan ang puso, diba?
Nagiging manhid ang isang tao dahil siguro, nasaktan na siya nong una. Yung tipong takot nang magmahal ulit, kaya nagpapanggap na hindi makakaramdam. O, di kaya naman ay, nagiging manhid siya sayo dahil sa may mahal na siyang iba...
Pero, possible bang mahal mo na pala 'yung isang taong nagpapakamartyr sayo at kinamamanhiran mo? Yung taong patuloy mong sinasaktan... Yung taong hindi mo pinapansin, ay ang taong matagal ng nakasulat diyan sa puso mo...
Oo naman. Possibleng possible. Kasi, 'yun ang nararamdaman ni Waju ngayon.
"Wuhoooooooooooo!" Ingay sa buong gymnasium. Bakit ba ang ingay? E, sa ngayon lang naman ang championship ng SLU laban sa SGU!
Oo ngayon!
At, kanina pa nakakaramdam ng inis si Waju kasi 'yung taong inaasahan niyang pupunta rito ay wala pa!
Where the hell is that girl? Sa isip isip niya.
Nakabusangot po ang prinsipe niyo.
Sa kabila ng ingay ng mga tao sa gym. Sa sari saring hiyaw ng mga tao sa pangalan nila ay hindi nila ito pinapansin.
Nararamdaman ng team ang bad mood nilang captain kaya agad na nilapitan ni Joe si Waju. Tinapik niya ito sa balikat. Nanatili naman ang kunot sa noo ni Waju.
Nakangising umiling iling si Joe. "Tsk, tsk. Don't worry Cap, darating din 'yun..." Pag aalo niya sa kaniyang captain.
Hindi ito nagsalita. Nag aalala na nga ang team dahil baka maapektuhan ang kanilang laro nito.
Nasaan ba kasi si Jabelle? Bakit wala siya sa gym ngayon? Impossible namang hindi siya dumating! Siya 'yung manager!
Ilang minuto nalang magsisimula na ang laro. Mas lalo lamang umiingay ang crowd.
"SLU! SLU! SLU! GOOOOOOO XTRABLACK SHOT!" Todo hiyaw ng mga taga St. Leseguis University. Halos mapaos na sila ni hindi pa nga nagsisimula 'yung laro. Tsk. Tsk.
"GO PRINCE WARREN!!!" Awtsuuuu. Nakakabasag sila ng eardrums ng mga nakakarinig!
Unti unti nang tumataas ang pressure sa loob ng gym. Ang mga mahahabang balloons ay lumilipad na sa ere. Sigawan dito, sigawan doon. Tulakan dito, tulakan doon.
Ni hindi rin nagpatalo ang mga taga St. Guirard University. They are also shouting their team. Especially, their team captain.
"SGU FOR THE WIN! NOT FOR THE LOSE! BOOOOOOOOOOO!" Winagayway nila ang kanilang mahahabang pulang lobo sa kabilang bleachers na mga asul naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/35306223-288-k95122.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...