Kabanata 19
Perfect Match
Nakarating ako ng school na as usual, naghihintay na naman si Bees sa tapat ng gate.
"Aba, himala bees. Hindi ka late?" Binatukan ko si bees.
"Ang sama mo bees." Tumawa lang siya at tumuloy na kami sa first class namin. Pagpasok namin...
Ang ingay! Aba, wala ata si Mr. Dragon ngayon?
"Wala bang klase?"
"Wala daw eh." Wow. Marami atang himala ngayon. Kumusta naman kaya si Mr. Dragon? Huwag mong sabihin na nagkasakit yun? Teka, ano bang pakialam ko? Wahaha!
"Bees, tara sa gym!" At hinila na ako ni bees. Naku ha, di naman siya excited no?
Pagpasok namin sa gym, oh my gosh!
Si Joe!
Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Anong nangyari?!" Hinawakan ko ang mukha ni Joe, ang daming sugat. Kinuha ko ang small kit ko sa bag at kinuha yung alcohol tsaka bulak.
Linagyan ko ng alcohol 'yung bulak tsaka ko dahan dahang pinahid sa mga sugat ni Joe.
"Sinugod siya dito ng mga tarantadong lalaki, dahil daw sa magkasama sila nung nobya niya." -Xinna
"Tong gungg*ng naman, nagpakabayani, kaya hindi nagpatulong." -James
"Lul. Kaya ko naman sila eh, ang unfair lang lumaban nung gag*." -Joe
Diniinan ko ang pagpupunas ng bulak sa sugat niya.
"Aray naman manager! Dahan dahan lang!"
"Yang kasing pambababae mong yan!" Nagtawanan silang lahat.
"Ayan tuloy, nagalusan ang pangit mong mukha!" -Kai
"Pasalamat ka andito si Manager, kung hindi patay ka sakin ngayon Kai." -Joe
Linagyan ko na ng band aid ang mga sugat niya saka siya tinulungang tumayo.
"Thanks manager." At nagwink pa. Binatukan ko nga!
"Huwag mo kong dinadaan sa pakindat kindat mo ah Joe!" Tumawa lang siya.
"Bakit manager?"
"Hindi ako chicks!" Narinig ko ang tawanan nila sa buong gym. Grabe yun ah, talaga naman eh. I'm not a chick nor a chicken, I'm just a simple girl who love Waju secretly. Naks! Gumaganun na ako?
"Jabelle!" Napalingon ako kay Waju, at anla! Babatuhin niya ba ako ng bola?
"Saluhin mo!" Pero, dahil loading ako pagdating sa kaniya, hindi ko siya catch. Kaya pumikit na lang ako at hinintay ang pagtama ng bola sa mukha ko.
Pero, bakit wala? Minulat ko ang mata ko at nakitang may kamay na nakahawak sa bola halfway. Tiningnan ko kung sino ang sumalo, si Jack.
"Gag* ka captain!" Ibabato niya sana kay Waju 'yung bola pero pinigilan ko na. Alam ko namang biro niya lang yun eh, ito namang si Jack, napakaseryoso.
Tiningnan ko ang buong team, nakatingin lang din sila samin ng tahimik.
Ano ba 'to? Bat parang may tensyong nabubuo dito?
"Hoy guys! Practice na kayo! Jack, sige na." Pagtatanggal ko lang sa tension. Nubayan.
Lumapit sakin si Waju.
"Jabelle, I'm sor--"
"Okay lang 'yun Waju, huwag kang mag-alala hindi naman ako natamaan, thanks to Jack." Nakangiti kong sabi para hindi na siya maguilty. Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomansaIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...