Kabanata 63
Faith
Ginising ako ni Waju sa kalagitnaan ng byahe.
"We'll stop over para kumain. Tara?" Yaya niya.
Umunat muna ako bago binalingan si manong. "Ikaw manong? Hindi ka po sasama?" Tanong ko habang inaayos ang buhok na magulo. Ngumiti ng tipid si manong bago umiling.
"May baon ako Ma'am, ayos lang." Tumango ako at ngumiti na rin.
"O, ganon po ba? Sige, maiwan ka muna namin ha."
"Walang problema ma'am, sige."
"Belle nalang manong-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil iritado na akong hinila ni Waju palabas.
"Ang bagal mo! I'm fuck—" tinakpan ko ang bibig niyang magmumura na naman.
"Bibig mo Waju. Ayaw ko sa mga taong nagmumura." Nilingon niya ako habang tinatahak namin ang restaurant kung saan kami nag stop over. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. So, HHWW ang peg namin. Holding hands while walking. Eeeh.
"Don't care. Mahal mo naman." Binatukan ko siya sa sinabi niya. Napa 'aray!' siya at sinamaan ako ng tingin. Umirap lang ako nang nakangisi.
"Bilib talaga ako sa kayabangan mo, pramis."
Aangal pa sana siya ngunit narinig na namin ang bati ng nong guard. "Good noon ma'am and sir! Come in."
Nakangiti akong tumango habang derederetso lamang ang abno papasok ng resto. Nang makahanap na kami ng paborito naming lugar, ang mesa na malapit sa bintana, ay may lumapit ding waiter samin.
Hindi na ako nakinig ng usapan nila dahil nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng restaurant. Malawak ito, puro glass windows, at ang interior design ay pula. Sa tingin ko ay pang couple ang resto na 'to. Yung mga customers kasi mostly e, couples.
Couple.
Hindi ko maiwasang isipin ang pagdating ng araw na masasabi kong, finally! Nasa akin na ang lalaking noon ko lang pinangarap. It's good to think that way, 'yung may magandang bagay kang inaasahan in the future. But I won't expect too much, I will let the fate decide for us.
"Here's your order sir, and maam. Enjoy your meal." Nakangiting sabi ng waiter habang hinahain samin ang order. Ngumiti rin ako sa kaniya.
"Ehem." Tiningnan ko si Waju at tinaasan ng kilay. Nagkibit lamang siya ng balikat at tinuro na ang pagkain namin nang makaalis na ang waiter.
"Okay." Kibit balikat ko rin. Bakit naman 'yun umubo? May sakit?
"Kung makangiti sa iba e..." Nang isusubo ko na 'yung rice e weirdo akong napatingin kay Waju.
"Anong binubulong bulong mo dyan?" Kunot noong tanong ko. Tinaasan lang ako ng kilay nong abno. ABA'T.
"Wala!" Pasigaw ngunit pabulong niyang sabi. (Gets niyo?) Tinitigan ko pa siyang lalo habang kumakain at hindi ako tinitingnan. Aba talaga e no. Anong problema ng abnong 'to? Bigla bigla nalang nagsusungit. Hmp.
Habang umiinom ng tubig ay pinagmasdan kong mabuti ang nakakunot niyang noo, magkasalubong na kilay, at padarag na paglalapag ng kubyertos sa mesa. Mabuti nga hindi siya napapansin ng mga mag jowang andito rin sa resto na 'to. Para kasi siyang bata na nagta tantrums dahil hindi binagbigyan ng nanay niya.
Ngumisi ako. Sakto namang napatingin siya sakin 'nun kaya mas lalo lang kumunot ang noo niya. Oh, my gas! Ang cute niya! Haha. Hindi ko maiwasang tumawa.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...