Kabanata 6

2.8K 56 4
                                    

Kabanata 6

Meet the Whole Team (PART 1)

Hindi ko alam kung bakit ang aga kong gumising ngayon. 6:30AM? Record iyan, Belle, record!

Magaan ang aking pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit. It's as if something is unknowingly motivating me to do things early. Sa sobrang good mood ko ay inayos ko pa ang aking hinigaan! Oha!

"...ikaw na ang sunod na magiging team manager namin."

"Eh!" mukhang loka kong tili. Tinakpan ko nalang ng tuwalya ang aking bibig baka marinig pa nina Mama at Papa sa baba.

Pumasok ako ng banyo at humarap sa malaking salamin. Ibinaba ko ang tuwalya at nakitang namumula ang aking pisngi. Hindi iyon panaginip, hindi ba? Hindi rin ilusyon?  I'm gonna be a manager! Lord Jesus!

Mas lalo lang atang dumagdag sa aking excitement ang pagiging bagong ligo. Bumaba ako at pumunta ng kusina pagkatapos magbihis ng uniporme.

"Good morning, Ma! Pa!" malawak kong ngisi. I gave them a quick kiss on the cheek.

"Good morning too, sweetie." Humagikgik ako na parang bata. Kahit kelan talaga, ang sweet ni Papa.

Nakaupo si Papa sa pinaka-head na upuan at may newspaper sa kanyang harapan.

Mapanghusga ang ipinokul na mata ni Mama sa akin habang nagpapalaman ng tinapay.

"Halos mapunit na ang labi mo sa kangingiti dyan, anak. May nangyari ba?"

Pinigilan ko ang sariling lumawak ang ngisi. I pouted.

"Wala po. Maganda lang ang tulog ko, Ma."

Umupo ako sa kaliwang bahagi ni Papa. Kumuha ako ng tinapay at agad na kumain.

"Aysus. Lokohin mo nalang syota mo, pero hindi mo ako maloloko, Rose Belle. Alam kong may magandang nangyari."

Hindi talaga ako tatantanan ni Mama.
Pati tuloy si Papa ay kuryoso ring nakatingin sa akin.

"You woke up so early, too. Tell me what made my sweetie in a very good mood, eh?"

Uminit ang pisngi ko. Mas lalong kumunot ang noo ni Mama habang nakadungaw sa akin. Okay. Wala na akong takas.

"May nag-offer sa akin ng magandang trabaho sa school, Ma. And it happens na gustong gusto ko iyong work na iyon." Uminom ako ng gatas para hindi makangisi ulit. I'm really acting like an idiot right now!

"What work?" si Mama.

"Hmmm... basta may kinalaman sa sports,"

"What sports?"

"Mama naman! Sekret lang muna ngayon!"

"Stop it, Sheila. She'll tell us about it when she's ready, anyway."

Matamis akong ngumiti kay Papa. "I love you, Pa!"

Papa smiled. "I love you, too, sweetie."

Mama sighed deeply, as if finally giving up. "Okay. Ayos sa akin basta ikakasaya mo 'yan, Rose Belle. Oh, ano'ng oras na?"

Tumingin ako sa wallclock. Nanlaki ang mata sa gulat. 7:40 na! Agad? Ano pa't nagising ako nang maaga kung mali-late din naman! Aish!

Nagmamadali akong uminom ng tubig at nagsipilyo. Matapos ay binigyan ng mabilis na halik sa pisngi si Mama at Papa bago lumabas ng bahay.

"Dahan dahan lang!" pahabol ni Mama.

Nakarating ako ng school na habol habol ang hininga. Grabe, tinakbo ko lang naman ito na halos madapa na ako sa kamamadali!

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon