Via POV
Nakarating ako sa bahay na hindi ko naabutan si mama. Siguro ay nakanila Gail ito at nakikipagkwentohan. Pinatong ko ang bag ko sa sofa at dumeretso ng kusina at tinungo ang ref. Kumuha ako ng malamig na tubig at nagsalin sa baso. Pagkainom ko ay binalik ko ulit ito.
Napalingon ako sa mesa. May mga pagkain na doong nakahanda. Inisa isa ko iyong binuksan at halos umalingawngaw ang amoy nito sa ilong ko. Bigla akong nagutom pero mamaya na ako kakain.
Pumasok ako sa kwarto dala ang bag ko at nagshower. Eksaktong paglabas ko ng kwarto ay dumating narin si mama. Masaya ko siyang sinalubong ng yakap.
"Hindi mo pa ba kukunin ang mga gamit mo sa boarding house?" tanong niya sa akin habang sinusundan ko siyang papunta sa kusina.
"Bukas na po ma. Weekends naman po. Tsaka konti lang po ang mga gamit kong andon. Kaya ko nang mag-isa." Saad ko.
"Sigurado ka?" Paninigurado niya na kinatango kong nakangiti.
Hindi kami kumain agad dahil inantay pa namin si papa at hinarap muna namin ang TV at nanood. Halos puro disgrasya, patayan at mga problema sa bansa ang laging binabalita. May ilang ding chismis mula sa mga artista at kasama roon ang anak na lalake ng Del Villa. Isang modelo at hindi maitatanggi ang gwapong mukha at kakisigan nito.
Hindi ako ganon kahilig manood ng TV at halos hindi ko kilala ang ibang mga sikat ngayong artista. Isa na dito itong amo ni papa na ngayon ko lang nakita.
Bigla kong naalala. Hindi ba siya iyong pumunta sa harap ng convenience store nila Kian? O baka kamukha niya lang.
Napakasarap siguro ng buhay nila at hindi sila nahihirapan sa pera. Nabibili, napupuntahan, nakukuha nga ang lahat ng gusto nila pero masaya ba sila? Kami ngang mahihirap na kahit walang pera, basta kompleto ang pamilya ay kontento na kami.
Wala akong masyadong alam tungkol sa modelong Del Villa bukod sa anak siya ng may ari ng Del Villa Corporation ay may babae at anak din daw ito sa labas ayon sa binabalita ngayon sa kanya at pinapaconfirm kung totoo nga ang chismis dito. But he denied it. Wala daw katotohanan ang chismis na may ibang babae ito at anak sa labas.
That news flash in when papa entered. Napalingon ako. He look tired but he manage to smile. Sinalubong ko siya ng yakap at halik sa pisngi at tinulungan sa dala niyang mga plastic na mukhang groceries.
Binagsak niya ang katawan niya sa upuan at tinaas ang paa sa center table.
"Pinatakbo ka na naman ba?" Usisa ni mama na kinatawang mahina ni Papa.
"Kamusta ang school anak." Pag-iiba niya sa tanong ni Mama. Ngumiti ako at binigyan siya ng positibong ngiti.
"Maayos naman po Papa." Sagot ko.
Biglang nagpakita sa imahinasyon ko ang mukha ni Kian na nakangiti kanina. I bit my lower lip to supress my smile. First time kong nakitang ngumiti ang lalakeng iyon at pakiramdam ko ay nabuhayan ako at naenganyong makita muli iyon.
Kumain kaming sabay-sabay. Nagkwentohan at halos si Papa ang nanguna roon at kwinento ang mga karanasan sa buong maghapon. May part na naaawa ako ngunit kita ko naman ang saya sa mukha niya kahit na pagod na pagod ito.
He worked hard to supply our daily needs. Wala naman silang binabayaran sa tuition ko since my scholarship ako na kailangan ko lang imentain ang grades ko hanggang sa makagraduate ako ng senior high. Konting kembot nalang at magcocollege na ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at tumungo sa boarding. Inayos ko lahat ng gamit ko at nagpaalam sa landlady. Isang travel bag at maleta lang naman ang dala ko. Ang mga kaboardmate ko na hindi ko naman kaclose ay niyakap pa ako na para bang kay tagal din namin nagsama sama kahit na sa gabi lang naman kami nagkikita.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
أدب الهواةSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...