Via
Maganda ang gising ko kinaumagahan. Bumungad din ang text sa akin ni Kian na hindi na niya ako masusundo at magrereport na daw sila ngayong araw. Hindi na ako nagtanong po kundi sinuportahan ko siya agad na kaya niya iyon.
Siguro ay pagkakataon narin para makabili ng bike niya. Hindi ko kasi nadaanan kahapon iyong shop at baka magka-idea siya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay kaaalis din ni papa. Hindi ko na tinanong kung saan pupunta at siguradong sa trabaho siguro niya. Kay mama na ako nagpaalam.
Pagkalabas ko ng bahay ay sakto rin ang labas ni Gail. Sinalubongan ko siya ng malawak na ngiti.
Nagsalubong naman ang kilay niya ng makita ako.
"Ngiting painggit?" sabay irap sa akin.
"Hindi ah. Sadyang maganda lang ang gising." saka inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko.
"Weh. Ano naman ginawa niyo kahapon?" tanong niya.
Biglang sumulpot sa isipan ko ang nangyari sa park. Biglang lumawak ulit ang ngiti ko.
"So ganyanan na pala tayo ngayon. Ngitian nalang." medyo naasar nitong reklamo sa akin.
"Hindi naman. Ang hirap lang iexplain. Alam mo yun?" paliwanag ko.
She then rolled her eyes again.
"Bahala ka na nga." nauna itong lumakad sa akin.
"Wait lang." pagpapaantay ko. " samahan mo muna akong bumili ng bike ni Kian." aniya ko na kinatigil niya. Tumingin siya sa akin.
"Bongga. Ikaw na pala bumibili ngayon ng gamit niya."
"Bruha ka. Birthday niya next week. Diba nga nasira yung bike niya last year dahil sa akin."
"Ahh yung kwinento mo noon." aniya niya.
"Oo. Kaya papalitan ko iyon. Tsaka birthday gift nadin. Alam mo na." sabay abrisyete sakanya.
"Ang sweet naman. Sana lahat ng girls ganyan." pang-aasar niya.
"Baliw." singhal ko.
Nasa paglalakad kami papuntang bus stop ng mapansin ang isang lalaking parang pamilyar sa akin. Nakatalikod ito ngayon. Nakasuot ng black leather jacket, pants, rubber shoes at cap na itim din. Nag-aantay rin ng bus. Nang makalapit kami ay bahagya ko itong sinilip at namilog ako ng makilala ito. Agad akong napaatras.
"Bakit?" taka agad ni Gail.
Napalingon din ang lalaki sa amin.
"Woah. Nice meeting you again, Gail and Via." lumingon si Gail sa lalaking nagsalita.
Napalunok ako at biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"D-don? A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal nang tanong ni Gail.
"Ayos ka lang? Bakit ka nauutal?" taka niya at tiningnan akong sunod. Ngumisi ito sa akin. "Kamusta Via."
Napalunok ako.
"A-ayos lang." umiwas ako ng tingin.
"Mukha nga. Happy parin?" Sunod niyang tanong. Tumango lang ako.
"Nice to hear that." saad niya at dumating na ang bus. Nilahad niya ang kamay niya at pinapauna kaming dalawa ni Gail.
Kumaripas si Gail ng akyat papunta bus at sumunod naman ako. Magkatabi kami ni Gail ngayon pero pakiramdam ko ay nakatingin parin siya sa akin.
"Nakakatakot ang itsura niya ngayon." bulong ni Gail.
Bukod sa makapal na ang bigote nito, parang mas naging maangas pa ang itsura niya ngayon. Yung tipong parang naghahamon ng away sa kalye. Nakaponytail din ang buhok.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...