Chapter 59

6 0 0
                                        

Via

"OMG!" tili ni Gail. "Ano ang amoy niya? Mabango ba? As in masculine na masculine ang dating ng pabango?" sunod sunod na tanong ni Gail na halos napabangon pa ito ng makwento ko sakanya.

"Hmmm. Base sa naamoy ko ay oo. Alan mo yung axe na pabango? Ganun ang amoy." sagot ko at inaantay ang reaction niya.

"OMG. Ang hot!"

"Hoyy! Parang kang ewan. Imagination mo umaabot hanggang Jupiter." reklamo ko dito at bumangon.

"Pero aminin mo, nagising na naman ang natutulog mong damdamin sakanya." Tudyo niya.

Inirapan ko siya saka umiwas ako at tumagilid ng higa at tinalikuran siya.

"Matulog na tayo." aya ko.

"Paano si Elthon niyan? Umaasa yung taong magkakaayos kayo pagdating niya."

Iyon din ang kinakatakutan ko, ang masaktan siya. Nalilito na tuloy ako kung ano ba dapat ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam.

"Hindi ko alam Gail."

"Napakawalang hiya naman kasi ang ginawa niya sayo. Kung hindi ko pa siya kinulit kung anong nangyari sa inyo ay hindi ko pa malalaman. Nasampal ko kaya siya. Hindi ko inaasahan na magagawa niya yun sayo."

Maski ako. Hindi ko rin inaasahan iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip niya bakit niya ginawa iyon.

"Narinig pala niya tayo noon na nag-uusap tungkol kay Kian. Iyong sa magazine. Ang alam niya lang eh naalala lang natin siya at biglang natakot daw siya na baka bumalik ka sakanya. Kaya yung pagyaya niya sa atin ng tanghali ay biglaan. Maski siguro yung muntik ka na niyang gahasahin ay out of his fear din iyon na baka bumalik yung feelings mo sakanya kaya nagawa niya yun sayo. Pero mali eh. Maling mali siya. Sana nag-isip man lang siya bago niya ginawa iyon. Haist. Sayang ka Elthon." panghihinayang niya saka humiga sa tabi ko.

"Matulog nalang tayo." aya ko dito at pinikit na ang mga mata ko.

Lalo lang akong mamomoblema sa sitwasyon ko kung pagtutuunan ko ng pansin.

"Via. Hindi kaya siya magugulat na doon ka na sa Del Valle Corp nagtratrabaho? Hindi pa niya alam yan kung nakakalimutan mo."

Oo nga pala. Pero paano ko sasabihin kung hindi naman siya tumatawag o nagtetext man lang. So ako ba talaga ang mauuna ba dapat? Diba dapat siya kasi siya ang nagkasala sa akin? Bumawi dapat pero hindi niya ginawa. Minsan sa ganitong ugali ni Elthon ako naiinis. Yung pride ba? Mahirap tibagin kahit alam mo siya na ang may kasalanan, inaantay niya na ikaw ang unang lalapit o kikibo para maging maayos kayo. Paano nalang kung mag-asawa na kami?

Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko talaga maling mali ako sa desisyon kong sagutin siya. Kung hindi lang ako nakonsensiya at naawa sakanya noon na ilang taon na ay nandiyan parin.

Kinuha ko ang isang unan sa paa ko at pinangtakip sa ulo ko.

"Matulog na tayo please. Pagod ako." reklamo ko.

"Oh sige. Matulog ka na at manonood pa ako. Di pa ako antok eh." sagot niya.

Pinilit ko nalang matulog kahit naririnig ko ang audio ng pinapanood niya. Maya maya ay nakuha ko narin.

Pagkagising ko kinaumagahan ay tulog na tulog pa si Gail na halos sakop ang buong kama. Nakadipa ang dalawang kamay at nakabuka rin ang dalawang hita. Halos mahulog at wala naring matirang space sa akin dahil sa likot nitong matulog.

Nagluto na ako at naligo pagkatapos. Nagising narin siya at sinabayan ako sa pagkain. Naghiwalay narin kami ng daan pagkalabas namin sa apartment ko. Siya sa shop, ako naman sa bus stop.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon