Chapter 37

2 0 0
                                        

Via

Dumaan ang ilang linggo ay wala na kaming balita kay Lalaine. Sad boy na ulit sa Jarus. Inamin niya sa amin na alam niya ang pagbubuntis ni Lalaine kaya todo alaga ito. It was Vim who told everything to him.

Inamin din sa amin ni Jarus na parang may babaeng laging nagpapakita sa panaginip niya at alam niyang hindi ako iyon. Nang umamin siya sa akin ng nararamdaman niya, nakaramdam siya ng taliwas na dapat maramdaman sana kapag inlove. Parang may ibang hinahanap.

Nang hindi siya pumasok, doon siya nagkaroon ng oras para isipin at intindihin ang nararamdaman niya sa akin and that was the time that Vim approached him and told everything. Noong una ay hindi niya tanggap. Pinuntahan ako pero iba ang nangyari. He was in denial back then until he realized, si Lalaine ang hinahanap niya.

Ngayon ay naging mailap na sa amin. Si Gio nalang ang minsang kasama at kadalasan naman ay nag-iisa ito. Gusto ko mang lapitan kaso paniguradong lalayuan lang ako at isa pa, magagalit din si Kian. Kung kailan naging kami, mas lalo itong naging possessive sa akin. Hindi ako iniiwan kahit saan. Laging nakabuntot na para bang kahit na anong oras ay pwede akong mawala sakanya.

Kung aalis ay dapat kasama siya kaya minsan ay naiinis din ako pero mas madalas ay natutuwa naman ako. Halos hindi narin makalapit sa amin si Trisha nang sabihin ni Kian na taken na siya at ako ang girlfriend niya. Ang haba ng hair ko.

Naiintidihan ko naman kung bakit sobrang protective ni Kian sa akin. Bukod sa gusto niya akong ingatan na gaya ng pangako niya sa magulang ko ay ayaw na niyang maulit ang nangyari sa akin noong kamuntikan nang mawala sakanila.

Inaamin kong nasa akin parin ang pangambang pwedeng mangyari ulit iyon pero ngayon, hanggang kasama ko si Kian, panatag akong hindi na mauulit iyon.

Sa pagdaan ng araw ay sa amin nadin sumasama si Vim at minsan nagkakasundo narin sila ni Gail. Kung noon ay takot na takot si Gail kay Vim dahil sa nangyari noon, ngayon ay hindi na. Mas magaan na ang pakiramdam nito at magkasundo sa lahat. Sa kalokohan at chismis rin.

Nang minsang nakasalubong nila si Trisha at ang dating mga kaibigan niya ay muntik na itong mapaaway sakanila. Kung wala lang kami sa likod ay baka kawawa na siyang pinagtulungan. Kung tutuusin ay mga scholars din nila ito pero pwera kay Trisha at may karapatan siyang ipatanggal ang pangalan pero hindi niya ginawa. I mean hindi pa niya ginagawa. May plano siya pero hindi na niya sinabi sa amin.

"Hello po tita." bati ko kay tita Lianee ng makapasok kami sa store.

Masaya itong sinalubong ako at niyakap.

"Kamusta iha." tanong sa akin.

"Ayos lang naman po. Ihahatid ko lang po si Kian dito at parang hindi na po alam umuwi eh." parinig ko kay Kian na ngayon ay kakapasok sa counter.

Tumawa si tita.

"Nagpapaalam naman tsaka may mga kasama naman ako dito ngayon." kwento niya.

"Ang bagal mo naman. Bilisan mo!" Napatingin ako sa pamilyar na boses na may tonong nagrereklamo sa kasama.

"Saglit lang at ang bigat ng mga dala ko." sagot naman ng kausap at halata sa mukhang hirap sa pagbubuhat ng tatlong karton.

"Dale? Cedric?" Hindi makapaniwalang tawag ko.

"Sila na ang mga kasama ko dito. Nagpart time." saad ni tita na kinagulat ko at tingin agad sa dalawa na para bang nagulat din sa presensiya ko. "Dito niyo na ilagay iyan at aayusin natin mamaya." turo ni tita sa gilid.

"Part time?" tiningnan ko si Dale na ngayon ay hindi makatingin sa akin na parang umiiwas o gustong tumakas.

"Kumukuha lang ng experience si Dale sa mga ganitong trabaho." pagtatanggol ni Cedric sakanya. Tumaas ang isang kilay ko.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon