Third person POV
"Don't be too obvious Kenji, lalo kang pagduduhan ni Kian."
"Paano ako hindi mapapakali kung nakalabas na pala sa kulungan ang Joy na yun."
"I told you to calm Kenji. Hindi ka ba nakakaintindi? Nothing will happen if you know where to place yourself." sermon nito sa anak. "I have a plan now on how to get rid of that lady, so don't ever middle again." warning sa anak.
"Wala akong gagawin mom? I want to help!" Lumapit agad ang ina nito sakanya. Napaatras naman siya ng bahagya at kita nito sa mukha ng ina ang matang nagpipigil sa galit at inis na pinapakita nito.
"When I told you not to help, just obey." diin nito na waring may laman at ibig sabihin. Nanginig bigla si Kenji sa narinig mula sakanyang ina. Kilala niya ito kaya tumango siya agad na may takot sa mukha at pilit na ngumiti sa harapan ng ina. "That's my boy." she smirked and tap the cheek of her son.
Umalis ang ina nito at naiwan si kenji sa kwarto nitong hindi parin makapaniwala sa nasaksihang ugali ng ina. Biglang nakakatakot ang awra nito at halos hindi mo masabing ang ngiti nitong binibigay at pinapakita sa kanilang magkapatid ay totoo. Parang mas lalo nakakatakot ngayon ang ina na kababalik mula sa New York.
Nasa hallway si Prescila at naglalakad papunta sa suite ng kanyang asawa. Hindi sila magkasama sa iisang kwarto at matagal narin silang hindi nagkakasama sa iisang bahay. Sa New York ay may sarisarili silang tahanan at nagkakasama lang at akmang maayos kapag may mga event na dadaluhan.
Kumatok ito sa pinto ng suite ng kanyang asawa. Maya maya ay binuksan na niya ito. Bumungad sakanya ang bagong ligong asawa na suot pa ang puting robe nito. Ngumiti ito.
"Goodmorning honey." nakangiting bati nito.
"What's good in the morning Prescila?" balik nito saka tinalikuran ang asawa.
"Me." sagot ni Prescila na kinatawa ni Ken. Agad namang naglaho ang ngiti ni Prescila sa inasal ng asawa. "Anong nakakatawa?" tanong nito na halatang badtrip na.
Lumingon si Ken sakanya.
"Ikaw. Ikaw ang nakakatawa." direktang sagot nito. Sinamaan niya ng tingin ang asawa.
Agad sinara ni Prescila ang pinto at dumeretso sa isang sofa at umupo. She cross her legs and composed herself.
"Alam kong ikaw ang tumulong kay Joy na makalaya."
"Nakalaya na siya? Good to hear that." Saka sinuot ang puting longsleeve nito.
Kumunot ang noo ni Prescila.
"Don't pretend like you know nothing Ken. Alam kong ikaw ang may gawa non. At ikaw lang ang alam kong may awa sa babaeng iyon."
"Tama ka. Ako lang ang may malasakit na pwedeng tumulong sakanya noong mga araw na pinagtulungan niyo siya sa bagay na hindi niya ginawa. Diba ganun din ang ginawa niyo sa kapatid ni Edgardo?"
"Huwag mong ibahin ang usapan."
"Hindi ko iniiba ang usapan. Same case sila dahil sa kagagawan ng anak mo."
"Anak mo rin siya. Anak mo si Kenji."
"Anak? Baliw ka ba Prescila? Paano kita mabubuntis kung nasa New York ka noon pagkatapos ng kasal natin. Bumalik ka dito sa Pilipinas na may laman na ang tiyan mo at sinabing ako ang ama. Hindi ako tanga para hindi mabilang ang buwan bago ka manganak."
Hindi agad nakaimik si Prescila sa sinabi ng asawa. Totoo ang sinabi nitong hindi talaga siya ang ama nito dahil nang pumunta ito sa New York ay isa sa mga kasosyo nito sa business ang nakabuntis dito.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...