Via
"Si Kian James Crisanto. He is a Del Valle!"
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa narinig. Si Kian ay isang Del Valle?
"Tingnan mo oh. Ang sabi dito ay 'Isang larawan ang nagpapatunay na may isa pang anak ang panganay na anak ng nagmamay-ari ng Del Valle Corporation. Nakuha lamang ito sa isang family reunion nila sa Del Valle Beach Resort na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.' Bongga!" Singhal nito sa huli. "Ang yaman pala ng ex mo."
Paanong nangyari na isa siyang Del Valle? Hindi kaya si Sir Ken ang ama niya? Hindi ba siya lagi siya doon sa bahay nila noon at isa pa, may pagkahawig din sila ni Kian. At kapag naroon ang presensya ni Sir Ken, hindi umiimik si Kian o kaya naman sinusupladuhan niya.
"May pangalan ba diyan kung kaninong anak siya?"
"Basahin ko. 'Napag-alaman na si Kian ay anak ng panganay na anak ni Senior Robert Del Valle na si Ken Del Valle kay Lianee Crisanto na dating magkalaban ang mga pamilya nila sa negosyo.' Ay wow. Parang bet ko yung love story ng magulang kesa sa mga anak." sabay palihim na tiningnan ako. Tinaliman ko naman ng tingin pabalik.
"Pwede ba Gail." Kontra ko saka inirapan.
"Oo na. May Elthon ka na." Naiinis nitong sagot. "Pero tandaan mo, yung ex mo ngayon mayaman na."
"Eh ano naman ngayon kung mayaman. Hindi ko hahabulin ang yaman niya Gail. Ang hahabulin ko ay ang hustisya ng pagkamatay ng magulang ko."
"Via. Diba napag-usapan niyo na yan ni Elthon?" Pagpapaalala niya.
Bumalik ako sa ginagawa kong pag-aayos ng mga bulaklak.
"Hindi pwedeng wala akong ginagawa ngayon Gail. Hindi ko rin pwedeng iasa nalang sakanya lahat. "
"Huwag mong sabihin na ... "
"Nakapagpasa na ako ng application form at resume ko sa company nila. Inaantay ko nalang ang tawag para sa interview ko."
"Paano kung malaman yan ni Elthon?" babala niya.
"Sasabihin ko naman sakanya."
"Kailan? Kapag nakapasok ka na? Ganun?"
"Oo." direkta kong sagot. "Sa panahon ngayon Gail, dapat may ginagawa kang mga paraan. Kung iaasa ko lahat kay Elthon, sa tingin mo matatahimik ako? Mapapanatag ako? Kilala mo ako. Hindi lang ako basta basta tumatahimik. Gusto ko yung may ginagawa ako."
"Pero hindi ba delikado yan? Siguradong kilala ka nila doon."
"Kilala nila ako sa pangalan at mukha pero hindi sa pakay at motibo ko." Saad ko.
"Via naman. Kinakabahan ako sayo." Pag-aalala niya. "Paano kung mag-away kayo ni Elthon dahil sa desisyon mong yan." tiningnan ko si Gail na nag-aalala parin ang mukha sa akin.
"Inaasahan ko na yan at nakahanda ang mga sagot at paliwanag ko para diyan."
Naagaw ng pansin namin ng bumukas ang pintuan at niluwa si Elthon na nakangiti.
"Goodmorning." bati sa amin at nilapitan ako at hinalikan sa pisngi at niyakap.
Tiningnan ko si Gail na ngayon ay umiwas ng tingin. Alam kong kinakati ang dila nito at maaari siyang madulas at masabi ang plano ko. Pero gaya na nga nang sinabi ko ay handa na akong magpaliwanag tungkol doon.
"May maitutulong ako? Free time ko ngayon at gusto kong tumulong dito." aniya nitong nakangiti sa akin.
"Ikaw nalang magdeliver nito Elthon. Busy pa kasi si Via sa bagong order namin eh."
Nilabas ni Gail ang naarrange ng bulaklak na nakabox narin.
"Yan lang ba? Baka meron pa?" Nasa mood nitong hirit.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
Fiksi PenggemarSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...