Chapter 28

5 0 0
                                        

Via

"Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Babalik din kami mamaya." bilin ni mama.

"Opo."

Ngayon palang ang tuloy nilang pupunta kina tita. Tumawag kasi ulit kanina na hindi daw maganda ang pakiramdam at nagsusuka daw. Mukhang tama ang duda nila kaya pupunta sila ni papa sa bahay ni tita ngayon.

Pagkaalis nila ay tiningnan ko ang oras. May limang oras pa ako para magprepare. Maaga nalang akong pupunta roon para hindi hassle sa byahe.

Simple lang ang damit ko ngayon compare kahapon na dalawang oras kong pinag-isipan ang mga isusuot at itsura. Hindi naman halata na excited eh no.

Paglabas ko ng bahay ay isa't kalahati pa ang aga. Babalik narin sila mamaya at pinaalam ko namang lalabas muna ako.

Pagdating ko sa bus stop ay saktong kakarating din ang bus kaya agad akong sumakay. Tiningnan ko ang phone ko nang saktong nagmessage sa akin si Jarus.

Jarus:
-magkita tayo sa entrance. Antayin kita doon.

Me:
-sige. On the way na ako.

Nang masend ko ay bigla nagpreno ang bus na bigla naman naming kinagulat at bahagyang napaharap.

"Anong nangyari?" tanong ng isang pasahero.

"May nabangga ata." Hula niya.

Tumingin ako sa harap at may isang taxi sa harapan namin na mukhang tinutukoy nila.

Bumaba ang driver ng taxi at mukhang may aalalayan sa harap ng sasakyan nito.

"Nabangga nga niya. Naku naman, humabol pa ata kasi eh, alam na nga lang na go signal na." komento naman ng isa sa nangyari.

Nang tumayo ang aleng nabangga ay namilog ang mata ko ng makilala ito.

"Tita Lianee." sambit ko.

Aalis na sana ang bus ng parahin ko ito.

"Bababa po ako." Para ko at agad na binuksan ang pintuan ng bus at bumaba ako.

Agad kong pinuntahan si tita na ngayon ay inaalalayan ng matandang driver papunta sa gilid.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Idala na kita sa hospital." pag-aalala ng matandang driver dito.

"Ayos lang po ako. Ako po dapat ang humingi ng paumanhin." paghingi ng tawad ni tita.

"Tita." tawag ko ng makalapit ako at chineck ang buong katawan niya. May kaunting galos sa siko at tuhod nito. "Ayaw niyo po bang magpatingin tita at baka kung napano po kayo." pag-aalala ko rin.

"Ayos lang ako. Hindi naman ganun kalala ang pagkakabangga at ... "

Natigil siya sa pagsasalita ng may dumaloy na dugo sa noo mula sa ulo nito. Kinapa niya iyon at ng makita ang dugo ay natulala siya doon.

"Tita, idadala na namin kayo sa hospital." Pagpupumilit ko.

"Halika na at idadala ka na namin." hikayat din ng driver sakanya.

Nang mapatayo namin siya ay bigla naman siyang nawalan ng malay na kinataranta namin. May mga tumulong sa amin para maisakay agad namin sa sasakyan ng matanda at maidala namin kaagad si tita sa hospital. Nang makarating kami doon ay agad siyang inasikaso. Ang doctor din ni Kian noon ang umasikaso kay tita na nakilala ko sa pangalang Jeric.

"Sumagot ka Kian." hindi ako mapakali at pabalik balik ako ng lakad dito sa hallway.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon