Via
Ilang beses akong nagpalit palit ng pwesto sa kama. Gigilid, dadapa, o nakahilata. Hanggang sa bumangon nalang ako nang hindi ko parin makuha ang tulog ko. Ramdam ko narin ang lamig ng panahon.
Tumayo ako at kinuha ko ang makapal kong dyaket at sinuot. Nasa kwarto na sila mama at papa. Tiningnan ko ang oras at 9 pm palang naman.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Umupo ako at nilapag sa lamesa ang mainit na tubig na baso. Nasa isip ko parin ang sinabi ni Kian sa akin.
Totoo ngang si Vim ang may pakana gaya ng narinig ko sa CR noon. Mayaman si Vim at isa ang pamilya niya ang nagbibigay ng scholarship sa mga ibang studanteng nakaavail at isa doon sina Andrea at Lalaine.
Nakita niya sigurong mas mahina si Andrea kay Lalaine kaya una niya itong pinaglaruan. At napakaclear na sa akin na mas ibigay ang sisi kay Andrea ang gabing iyon dahil alam nilang malaki ang mawawala kapag madadawit ang pangalan ng anak nila.
To cover her dirty work, they should sacrifice the weak one. And that's unfair. Dale was out of their plan also. Pero nagpresenta itong samahan si Andrea para mailayo siya lalo sa kapamahakan. He's with their group at gaya ng narinig ko noon ay gusto niya si Andrea. That's maybe his reason why he help her out from danger.
Hindi ko pa alam ang sitwasyon ni Gail. Kailangan ko rin alamin pero as of now ay kailangan kong bantayan si Lalaine, or should I ask Gio to protect her? I sighed. Hindi ko alam. Lalong nagulo ang isip ko.
Sinuot ko ang hood ko para magpalamig muna sa labas. Ramdam ko ang kakaibang panahon ngayon.
Nang nasa labas na ako ay nakita ko si Gail na nasa labas din. Mag-isa na para bang may malalim na iniisip habang hawak ang isang baso na umuusok ang laman.
Hindi niya naramdaman ang presensiya ko sa lalim na ata ng iniisip at umupo sa tabi niya.
"Kamusta ang bakasyon." biro ko na agad niyang kinagulat at lingon sa akin na para bang nakakita ng multo.
"H-hindi kita napansin. Kanina ka pa?" tanong niya sa akin na halos hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Kakarating ko lang. Alam ko namang hindi mo talaga ako mapapansin sa lalim ng iniisip mo." Aniya ko.
Yumuko ito. Sinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan at binulsa ang kamay ko sa magkabilang bulsa ng jaket ko.
"Kailan ka papasok?" Nilingon ko siyang nakayuko parin. "Kailan mo sila haharapin at ipakitang hindi ka natatakot sa banta nila." dagdag ko.
Tiningnan ako ni Gail na parang naghahanap at nanghihingi rin ng sagot sa mga tanong ko.
"Kailan mo tutulungang malinis ang pangalan ni Andrea?" tiningnan ko siya.
"Hindi ko alam. Ayoko naring magsalita at madamay sa gulong pinasok niya. Tahimik ako ngayon at ayaw ko ng gulo o problema."iwas niya.
"Kayanin sana niyan ng konsensiya mo. Pumasok ka bukas para makita mo at maintindihan mo ang sinasabi ko sayo ngayon." Hamon ko dito at iniwan siya saka bumalik sa loob ng bahay.
Napabuga ako ng hangin. Napakalayo ng Gail na kilala ko sa Gail ngayon. Naninibago ako. Kailangan lang talaga siguro na tuldukan ang problema nila para bumalik ang lahat sa dati.
Kinabukasan ay maaga muli akong pumasok. Halos patakbo akong hinabol ang kararating lang na bus at pumasok sa loob. Siksikan kaya nakatayo na ako ngayon dito sa harapan.
Sinuot ko ang head set ko at nakinig ng mga music ng biglang may humila sa kamay ako at pinaupo ako. Tiningala ko ang taong iyon at namilog ng mata ko ng makita si Jarus.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
Fiksi PenggemarSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
