Kian
"Ayaw niyang mahalungkat muli ang kaso sa pagkamatay nila mama at papa."
Via's statement bothers me a lot now. Ang pangalan niya sa listahan, at ang ayaw niyang pagtrabaho ni Via dito at mahalungkat ang pagkamatay ng mama at papa nito. Nakakapagtaka.
"Sana sinamahan mo para hindi ka nag-iisip ngayon." komento ni Dale habang nandito ngayon sa office ko at nakataas pa ang paa habang nilalaro ang isang rubrics cube na dala niya mula nang dumating dito.
Sa tuwing magulo ang isip nito at gustong magrelax, rubrics cube ang sandalan niya para makalimot sandali. Nalaman ko lang yan nang magkasama kami noong college.
Sinandal ko ang ulo ko sa head rest ng upuan ko.
"I was about to do that but she stop me. Palilipasin lang daw muna niya ang araw hanggang masabi niya sa tita niya na dito siya nagtratrabaho ngayon."
Tumigil ito sa paglalaro at nilapag sa center table at umupo ng maayos saka ako tiningnan.
"Sa tingin mo may kinalaman ang tita niya sa pagkamatay ng magulang ni Via?" He asked curiously.
"Kapatid niya ang papa ni Via and I doubt na may kinalaman siya. Baka may alam lang." Yan ang unang hinala ko. There's something behind it that I want to dig in.
"Hindi tayo sigurado." sumandal rin ito sa upuan niya at pinatong ang mga braso sa sandalan ng upuan. "Kung sino pa kasi ang mga taong malalapit sa atin, minsan sila pa ang kadalasang sisisira sa tiwalang binigay natin sakanila. That could be possible to Via. Sa nakikita natin sa tita niya, may tiyak na may mahahalungkat tayo dito at pwede rin na hindi lang alam. Baka may kinalaman din siya."
"Wala pa tayong sapat na ebidensya Dale para diyan sa komento mo. Mahirap manghusga na hindi pa natin alam ang puno't dulo."
"Sabagay, pero iyan kasi ang nakikita ko. Naglalaro lang yan sa dalawa. May alam o may kinalaman."
Naging palaisipan ngayon sa akin ang sinabi ni Dale. May point siya. Kung titingnan ang mga records na nakuha ko ay magtatanong ka talaga.
"Isa pang mahirap diyan ay ang malaman ni Via na may kinalaman ang pamilya mo sa pagkawala ng magulang niya. Mabigat yun. Depende nalang kung alam na niya yun at yun ang pakay niya kaya siya pumasok dito sa kumpanya niyo."
Napabuga ako ng hangin. Magulo at hindi ko alam ngayon kung saan ako magsisimula. Malakilaki at marami narin akong sinakripisyo para makatungtong lang dito sa pwestong ito. Para lumabas ang totoo, mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni tita at tito at gayon din kay mama. Ang kaligayahan na pinagkait sakanya.
5 years ago... (flashback)
"Pakawalan niyo ako!" Pilit kong tinatanggal ang mga mahihigpit na hawak ng tauhan nila sa kamay at braso ko. Sumubok muli akong tumakas mula sa kamay nila pero nasundan at nahanap parin nila ako kaya hindi ako makalapit lapit kay Via.
Mahirap sa akin na nakikita ko siyang umiiyak at nasasaktan dahil sa nangyari sa magulang niya. Na halos hindi pa ako nakalapit upang damayan siya.
"How many times did I warned you Kian. Isang subok mo pang tumakas, hindi mo na makikita ang mama mo."
Doon ako natigil sa sinabi niya. Nang dinala ako dito sa mansyon niya ay hindi ko na nakita si mama. Ang sabi niya sa akin sa sulat na huli kong natanggap mula sakanya ay umuwi ito ng probinsya at doon muna siya manirahan. Hindi ako agad naniwala dahil itinanim ni mama sa utak ko na hindi kami magkakahiwalay, na kahit anong mangyari ay hindi niya ako iiwan o ibibigay sakanila. Pero sa nakikita ko ngayong sitwasyon ko, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Parang gumuho ang pader na pinaglalaanan ko ng lakas at bigla nalang sumuko.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
