Via
"Goodmorning Via." napatingin agad sa bumati sa akin. Si Jane.
Ngumiti ako.
"Goodmorning Jane." balik saka lumapit muna sakanya bago ako umakyat.
"Mukhang maaga ka ata ngayon."
Tiningnan ko ang orasan ko at pasado mag 7 na. Maaga parin ba yun? Kung sabagay, 7 to 7:30 ang pasok ng iba dito. Kung sa school nga, papasok ka palang ng ganyang kaaga ay parang tinatamad ka na at naghahangad na sana weekends nalang o kaya holiday.
"May kailangang tapusin eh." Tanging nasagot ko.
"Kamusta naman ang work mo sa department na inassign sayo? Madali lang ba?" kamusta niya. Ngumuso ako.
"Oo. Madali nalang." hindi siguradong sagot ko.
Tumawa ito sa sagot ko.
"Paanong madali nalang? Tinatambakan ka ba ng trabaho?" tanong niya na parang alam na alam ang ginagawa doon.
"Medyo."
Umiling itong natawa sa sagot ko.
"Kaya mo yan. Tapusin mo lahat ng work mo bago magweekend para wala ka ng alalahanin." saad niya.
"Ngayong week end?" taka ko.
"Oo. Sport camp sa weekend. Yun ang pinakaaantay ng lahat kasi magkikita lahat dito." imporma niya.
"Ngayong weekend na?"
"Oo Via." ngiti niya. "Kumain ka na?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Hindi pa." sagot ko.
Bukod sa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa mga nangyari kahapon ay nakalimutan kong wala na akong stocks sa appartment ko. Mamaya palang ako magrogrocery.
Lumabas ito mula sa pwesto niya at lumapit sa akin saka kinawit ang braso sa braso ko.
"Kain muna tayo." aya sa akin at hinila ako.
"Sige." sagot ko pero agad itong napatigil nang may mapansin na dumadating mula sa main door.
"OMG." singhal niya na kinatingin ko rin sa tinitingnan niya.
Kumunot ang noo ko ng makita ang isang matangkad na lalaki. With white inner long sleeve na pinaresan ng black na suit nito at slacks. Maputi at masasabi kong gwapo rin ito. Medyo may pagkaangas nga lang ang dating. Okay na sana lahat sakanya except sa buhok nitong kulay red. Agaw atensyon sa lahat na makakakita sakanya ang buhok nito panigurado.
Tumindig si Jane na kinalingon ko sakanya nang papalapit sa pwesto namin ang lalaki. Bahagyang yumuko si Jane na kinahila din sa akin para gayahin ko ang ginawa niya.
"Goodmorning." bati niya sa amin.
"Goodmorning too sir." mahinhing bati ni Jane dito.
Nang binalik namin ang mata namin sa lalaki ay sa akin na nakatingin.
"New hired employee?" tukoy sa akin.
"Yes sir. Mag 1 month ba po siya dito." imporma ni Jane tungkol sa akin.
"Ow. Nice. Mabuti at napili mo ditong applyan." nakangising tukoy sa akin.
Ngumiti lang ako.
"Kenji!" Sabay kaming tatlong napalingon sa babaeng tumawag sa Kenji.
Natigil at medyo nagulat ako ng makilala iyon.
"Oh hi Trisha." bati ng lalaking kaharap namin at nilapitan ito at niyakap saka hinalikan sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
