Chapter 15

9 0 0
                                        

Via

"Sorry Kian." paghihingi ng tawad muli ni Trisha.

Napahinto kami nang magkamali na naman si Trisha sa praktis namin. Ang masaklap ay lagi nitong naapakan ang paa ni Kian.

"Are we still presenting this Trisha? Hindi ba pwedeng pili nalang? Yung talagang maalam sa pag waltz at graceful ang galaw? Hindi kami bagay sa pangmahinhin na sayaw. Sa rock pwede pa." suhestyon ng isang kaklase namin.

"I agree! Masyadong old at nakakahiya ang iprepresent natin sa harap ng mga studante. Magiging katawa tawa lang tayo." Sang-ayon naman ni Vim.

"Botohan nalang kung sino ang magprepresent. Yung nakakasunod." Singit ni Gio.

"Ako!" napatingin lahat kami kay Lalaine nang magsalita ito.

"Gusto mong sumayaw?" Manghang tanong ni Gio.

"Sira! Ako, boboto ako ang ibig kong sabihin." Paliwanag niya saka tumingin sa akin. "Gusto kong magpartner si Kian at Via. Parehas silang nakakasabay sa steps."

Namilog ang mata kong tumingin sakanya. Bad suggestion Lalaine.

"Wait lang. Partner ko si Via Lalaine kung di mo nakikita." Aniya ni Jarus.

"Nakikita ko, pero kagaya ko, trying hard tayo sa pagkuha ng steps. Kanina ko pa inoobserve si Via at Kian. They're both good on that. Kaya binoboto ko sila. Raise your hand if you're with me." yaya niya sa iba and she looked at our classmate.

"I like that." sang-ayon muli ni Vim and she raised her hand. Sumunod naman ang iba.

"Wait lang. Naiimprove naman yan kapag palagi tayong nagprapraktis. Tsaka may ilang araw pa tayo." aniya ko.

Hindi naman sa ayaw ko pero parang ang unfair sa iba lalo at may ilan namang magagaling din at nakukuha ang steps.

"Hindi namin kaya Via. Representahan niyo nalang kami ni Kian." sagot ng isang kasama namin.

"I won't agree with you." napatingin kaming lahat kay Trisha.

Mukhang hindi na ito natutuwa sa nakikita at naririnig.

"As Via said, practice makes perfect. Kung ayaw niyo, better leave and I'll tell maam na hindi kayo nakicooperate. Simple as that." she warned us.

Nagtinginan ang iba na para bang nag-iisip ang iba kung papayag sila o hindi.

"Okay. Pero hindi ikaw ang nasa front. Let Via took that part with Kian." Lalaine suggested.

Halos mamangha at humanga ang iba sa lakas ng loob ni Lalaine na sagutin si Trisha.

Hindi na maipinta ang reaction ngayon ni Trisha. Hindi ko alam kung nagpipigil ito ng galit ngayon.

"Let Kian choose." She smirked.

Tumingin ang lahat kay Kian maski ako.

"Kian, para sa bayan." senyas ni Gio.

Tahimik na nag-aantay ang lahat sa magiging sagot niya.

"Hindi na ako sasayaw. Masakit na ang paa ko." sagot nito at umalis sa harapan namin.

Pinanood ko itong naglalakad papaalis habang ang iba naman ay nagbubulungan ng kung ano ano at hindi ko na inabalang intindihin ang mga sinasabi nila.

"So, paano na ngayon yan. Natorture mo ata ang paa ni Kian Trisha." komento ni Vim.

"Shut up." inis na sagot ni Trisha sakanya.

"Next week pa naman yun. Baka may iba pang pwedeng ipresent maliban dito Trisha." Suhestiyon ng isa naming kaklaseng babae.

Hindi sumagot si Trisha. Instead na sagutin ang nagsuhestiyon ay parang may hinanap ang mata niya at maya maya ay ngumisi ito.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon