Elthon
"Pass muna ako. Tatapusin ko pa yung ibang reports. Sa susunod nalang." Tanggi ko sa mga barkada kong nagyaya sa akin na pumunta sa bar.
"Ayaw mo bang makita si Via? Paniguradong nasa bar na siya ngayon." natawa nalang ako sa pang-aasar nila sa akin.
"Saka na, tsaka makakaistorbo lang ako kay Via doon. Kailangan ko rin makiramdam minsan."
Okay naman na kami eh. Nagtext na siya kahapon. Hindi ko man inaasahan na masigawan niya ako pero naintindihan ko naman. Siguro kailangan ko lang dumistansya konti.
"Drama mo pre. Sama ka na kasi." pagpupumilit nila.
"Next time. Promise." sagot ko. "Mauna na ako." paalam ko.
Nagreklamo pa ang mga ito pero tinawanan ko lang sila.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto at nagshower. Pagkabihis ko ay kumuha ako ng cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig. Habang inaantay na lumambot ay nagbabasa muna ako ng isa sa mga librong ginagamit namin.
Hindi ko first choice ang pagkuha ng law. Architecture ang gusto ko talaga pero dahil narin sa influence ng papa ko sa akin ay kumuha ako. Nakita ko kasi sa ibang mga client ni papa na naghahanap sila ng hustisya sa mga pinaglalaban nila. Hindi basta basta tumatanggap si papa ng kliyente niya. Pinag-aaralan niya muna ng mabuti ang kaso bago niya tanggapin.
Hindi madali pero may paninindigan at prinsipyong sinusunod si papa kaya maraming nagtitiwala sakanya. Nang magkasakit siya ay kailangan niyang magpahinga ng ilang buwan pero nagpumilit siyang magtrabaho ulit ng may lumapit at nagmakaawa sa harapan niyang tulungan siya. Hindi niya naipanalo ang kaso dahil bumaliktad sila. Sa pangalawang kliyente na si papa mismo ang lumapit ay natalo rin siya dahil bumaliktad din ang nakasuhang guilty sa ginawa.
Ilang buwan na naman siyang nagbakasyon sa trabaho. Hindi niya matanggap. Hanggang sa napanood niya sa TV ang isang bahay na nasunog at namatay ang mag-asawang morales na kinalaunan ay nadrop ang kaso dahil sa isang napabayaang niluluto.
Pumunta si papa sa mismong lugar at nag-imbistiga. Bumalik ito sa bahay na tinanong agad sa akin kung kilala o kaklase ko ang anak. Nagtaka man ay sinagot ko parin ang mga sagot niya sa akin.
Actually ay matagal ko nang kilala si Via. Nasa Grade 11 palang kami ay lagi ko na siyang napapansin at minsan ninanakawan din ng larawan. Kaya sa cabinet ko ay puro printed pictures niya ang nandoon.
Sabihin na nating malakas talaga ang tama ko kay Via na ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob na makalapit at makasama siya. Sadyang natorpe at naunahan lang ni Kian noon pero sisiguraduhin kong ngayon na wala na sila ay malalagpasan ko ang mga ginawa ni Kian noon para sakanya.
Binuhos ko sa pag-aaral at paggawa ng reports at review sa mga lessons ko. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at pangalan ni Joyce ang nasa screen ng phone ko. Tiningnan ko ang oras at mag 12 am narin pala.
Hindi ko napansin ang oras at napahaba sa pag-aaral. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot iyon.
"Hello Joyce." sagot ko.
"Elthon. Pakiuwi mo nga si Via sakanila." kumunot ang noo ko.
Napatayo ako at kinuha ang jacket ko.
"Bakit? Anong nangyari sakanya?" Taka ko at lumabas ng kwarto.
"Naglasing. Ewan ko dito at kanina pang umiiyak." Sagot niya.
Napatigil ako. Umiiyak? Bakit?
"Sige at pupunta na ako diyan." tugon ko at nagmadaling lumabas ng bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/265010739-288-k153787.jpg)
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
Fiksi PenggemarSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...