Chapter 22

6 0 0
                                        

Via

Lumapit si tita sa amin.

"What's that?" Curious na tanong ni tita sa amin.

"Tita. Aksidente lang po iyon." paliwanag ko.

"She was accidentally step the soft part of the bed ma. My bad too." binalik niya sa akin ang phone ko. "Sorry." dagdag pa niya.

Tiningnan ko siya at kinuha ang phone ko.

"Wala namang masakit sayo iha?" pag-aalalang sunod na tanong sa akin.

"Wala po tita. Ayos lang po ako." sagot ko. Agad kong binag ang cellphone ko.

Tiningnan ko ngayon si Kian na nakaupo na ngayon sa kama at chinecheck kung saan banda lumubog ang paa ko kanina. Tumingin siya sa akin na kinaiwas ko naman.

Sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng hiya ngayon. Hindi ko talaga inaasahan yun. Pinampaypay ko ang kamay ko ng maramdamang uminit ang paligid.

"Ayos ka lang? Namumula ka." hayag ni Kian.

"Ha? Ako?" gulat ko.

Tumingin sa akin si tita at sumunod ay lumapit sa akin.

"Ayos ka lang ba talaga?" may halong pag-aalala na ang tanong sa akin.

Hindi ko rin alam kung ayos ako o hindi.

"Ayos lang po ako tita." sagot ko. Nang wala na akong maisip na idadahilan pa sa mga napapansin nilang pagbabago sa akin ay nagpaalam na ako. Ininporma din ako ni tita na bukas na din lalabas si Kian.

Nang makarating ako sa bahay ay hindi ko nadatnan si mama. Humiga sa kama ko at pinikit. Inalala ang mga nangyari kanina. Napamulat ako ng maalala ko ang malapitang mukha ni Kian. Napahawak ako sa mukha ko ng makaramdam ako ng pamumula nito.

Grabe ka Kian. Ano ang ginawa mo sa akin.

"Gusto ko na ba siya?" tanong ko sa sarili. Umiling ako at bumangon.

Inooccupy na niya ang isip ko. Kailangang may gagawin ako para makalimutan ko siya at pati ang nangyari kanina. Tiningnan ko ang buong kwarto ko.

"Kailan mo ng bagong ayos." Saad ko.

Tumayo ako at sinimulan ko nang ayusin ang kwarto. Nilipat ang ilang gamit, kama. Pinalitan ang bedsheet, punda, kumot. Inayos ko ang mga libro, mesa. Nagwalis, punas hanggang sa matapos ko sa loob ng isang oras. Sinunod kong nilabhan ang ilang damit namin. Nagluto at nag-ayos narin sa loob ng bahay.

Maya maya ay dumating na si mama at natigil siya ng makita ang ayos na ginawa ko sa bahay.

"Anong meron at sinipag ka anak?" tanong niya na may dala dalang mga plastic groceries.

"Wala lang pong magawa ma." sagot ko at tinulungan siya sa pagbubuhat.

Tumulong nadin ako sa pagluluto. Natapos ang buong araw na satisfied ako sa ginawa ko. Gumawa narin ako ng ibang home work ko at nagreview. Atlist naging productive ang araw ko matapos ang nakakahiyang nangyari kanina.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Nakatanggap ako ng text mula sa number ni tita at sinabi ang oras na paglabas ni Kian.

Pagkatapos ng klase naming ng umaga ay agad na akong pumunta ng hospital. Saktong kalalabas nila nang pagdating ko doon. Ako narin ang pumara ng taxi para makasakay sila.

Nang makarating kami sakanila ay agad akong niyaya ni tita Lianee sa loob para doon narin kumain.

Tatanggi sana ako pero nakikita kong parang magtatampo si tita sa akin kaya pumayag nalang ako. Nang nasa loob na kami ay hindi naubusan si tita sa mga kwento niya patungkol kay Kian simula ng bata ito.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon