Chapter 36

5 0 0
                                    

Via

"For you Lalaine." abot ni Jarus kay Lalaine ang bulaklak.

Taka akong napatingin kay Lalaine at kita ang hindi makapaniwalang mukha nito.

"S-sa akin?" Same reaction parin. Ngumiti si Jarus at kumunot naman ang noo ko.

Ibang iba ata ang Jarus na kaharap namin ngayon?

"Para sayo yan." sagot nito at pinatong sa tabi ng upuan ang gift nitong nakapaper bag.

"Hindi kay Via?" direktang sagot naman niya. Napatingin naman ako Lalaine at umiling.

"Sayo nga daw iyan." sagot ko dito at tiningnan si Jarus na ngayon ay sa akin nakatingin.

Agad kong nilingon si Kian na ngayon ay nakasandal sa pader itong nakahalukipkip at nakatingin din sa akin. Napalunok ako.

"Hope you like it. Congratulations din sa iyo." dagdag ni Jarus na kinabaling ng tingin ko muli sakanya.

"Thank you Jarus."

Malawak ang ngiti ni Lalaine sa sinabi ni Jarus at masaya ako para sakanya. Pumunta ito sa upuan niya at umupo. He looked at Lalaine again and smiled at her. Sinulyapan din ako pero hindi gaya ng kay Lalaine. Yung tipong wala lang o hindi ka kilala.

Bumalik sa upuan niya si Kian at hinawakan ang ibaba ng upuan ko at hinila papalapit sakanya na kinagulat ko. Halos ang iba rin ay napalingon sa amin dahil sa ingay ng upuan.

"Kian." banta ko. Tumingin itong walang emosyon sa akin na parang hindi rin alintana ang pagbabanta ko sakanya.

"Why? Is it normal to align your chair into mine? Masyado ka ring malayo." nilapit pa lalo na nakabuo na naman ng matinis na ingay para mapunta na naman ang tingin sa amin.

"Sa katapat ko naman sa harap ang hindi maalign." turo ko dito.

"Then let them adjust. It's not your problem anyway." Kumunot ang noo.

Parang may dalaw kung makapagsungit.

Nang dumating si sir Ivan ay kinanggratulate kaming nasa top 10. Masaya kaming apat maliban sa isa. Si Trisha.

Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay nagpresentang ihahatid ni Jarus si Lalaine at medyo nagtaka ito ng sabihin kong sa bahay namin siya nakatira.

Hindi siya nagsalita bagkos ay nagpumilit parin itong ihatid ito sa bahay. Hindi na ako sumama dahil baka magiging awkward lang kami roon. Magagalit din tong kasama ko at halos hindi ko narin mailarawan ang mukha niya sa tuwing lumalapit si Jarus sa amin.

Lumipas ang ilang araw ay consistent na naging hatid sundo ni Lalaine si Jarus na kinataka namin kasi wala namang naikwekwento si Lalaine sa amin. Kinikilig lang ito.

Medyo naging halata narin ang paglilihi niya at kami ni Gail ang pineperwisyo. Sa school at sa bahay pero alam kong pansin narin iyon ni Jarus at kapag bibili palang kami ay may dala na siya.

"Sa tingin mo. Alam na niya?" bulong sa akin ni Gail.

"Sa tingin ko, oo na ewan." sagot kong hindi sigurado.

"Pero halata siya masyado. Alam niya lahat ng pagkaing hinahanap ni Lalaine, pati yung ayaw niya. Andiyan siya parati." tumingin sa akin si Gail. "Hindi kaya nakausap siya ni Kian noon?" duda nito.

Napaisip ako. Pwedeng oo at pwedeng hindi. Eh hindi nga sila makapag-usap ng matagal, ang aminin pa kaya na buntis si Lalaine at siya ang ama?

"Impossible. Bad terms sila." sagot ko.

"Si Dale. Kasama niya yun sa team." hula niya.

"Huwag mo nang asahan na magchichismis si Dale. Walang ibang bukang bibig yun kundi si Andrea na hanggang ngayon ay dedma parin ang feelings niya para dito."

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon