Via
Pagkatapos umamin sa akin ni Jarus ay hindi ko na alam kung paano ako gagalaw na hindi siya nasasaktan. Sa totoo lang ay hindi ko to inaasahan. Hindi ko na alam kung paano ako magiging komportable ngayon sakanya gayong nalamang kong gusto niya ako. Ang hirap.
Kumain at may ilang pinagkwentohan then wala na. Tapos na. Hinatid na niya ako dahil masyadong gabi narin at tawag na ng tawag sila mama sa akin.
Sa kanto na ako bumaba at hindi ko na siya pinaabot hanggang sa tapat ng bahay. Inantay ko pa itong umalis bago ako pumasok sa bahay. Huminga ako ng malalim ng nasa kwarto na ako. Napahawak ako sa noo ko ng kumirot ito. Sa pagod? Sa araw? O sa nalaman ko.
Hindi ko rin halos malaman kung ano ang mararamdaman ko. Masaya? Maiinis? Malulungkot? Ayy ewan!
Agad kong kinuha ang towel ko at pumasok sa CR para magshower at mahimasmasan. Nang matapos ako ay agad na akong nag-ayos at matutulog nang maalala ko ang phone ko. Binuksan ko ito at may message si Kian.
Tinatanong ako kung nakauwi na. Napangiti bigla ako at nireplyan siya.
Me:
-kakauwi ko lang.
Ilang minuto pa ay wala parin itong reply. Kamusta na kaya si mama niya. Nagtype ulit ako.
Me:
-kamusta ang mama mo? Ayos na siya?
Ngumuso ako ng wala itong reply sa message ko. Busy or inignore lang. Baka busy. Baka may pinagawa si tita sakanya. Baka naman hindi niya hawak ang phone niya. Baka lobat.
"Haistt!!" inis kong binagsak ang cellphone ko sa kama.
Ang gulo ng isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko at hindi naman ako makatulog. Tumayo ako sa kama at tumalon talon dito. Magpapakapagod nalang ako. Maya maya ay napatingin ako sa cellphone ko at umaasa paring makakatanggap ng reply niya.
Nang wala na akong maantay ay kinuha ko ito at mabigat na nagmessage ulit sakanya.
Me:
-pasensiya na sa abala. Goodnight.
Taas kilay ko itong minessage at iooff na sana ng tumunog ito. Lumaki ang mata ko ng makita ang pangalan ni Kian at excited na binuksan ang message niya.
Kian:
-andito ako ngayon sa harap ng bahay niyo.
Yung puso ko, parang tumatakbo ng mabasa ko ang message niya. Nasa harap siya ng bahay? O tapos? Diba dapat mainis ako kasi ang tagal niyang magreply. Tapos imemessage akong nasa harap ng bahay.
Natigil ako ng marealize ang message niya. Napabasa ulit ako sa message niya. Literal na namilog ang mata ko at tiningnan ang orasan. Pasado 10 na.
Me:
-ha? 10 na ahh. Walang kasama ang mama mo doon.
Kunwaring sinali ko lang si tita para malaman ang sasabihin niya. Pero grabe, ang puso ko at adrenaline ko, hindi ko malaman kung saang level na ito.
Kian:
-Gusto lang kitang makita. Kung ayaw mo aalis na din ako.
Bigla akong nataranta sa message niya. Siyempre gusto ko rin siyang makita no. Nandito ka na nga lang edi susulitin ko na.
Via:
-wait lang. Palabas na po.
Agad akong nagjacket at kinuha ang slipper ko at dahan dahan na lumabas ng bahay. Nagulat pa ako ng madetech ako ng ilaw dito sa labas at biglang umilaw ito. Sinuot ko ang hood ko at tumakbong papunta sa gate.
Nang makalabas ako ay nakita ko siyang nakatayo na. Tiningnan ko ang paligid. Baka may mga chismosa kasi diyan at mahirap na. Tiningnan ko si Kian na ngayon ay papalapit sa akin.
"Bakit ka nandito akala ko ... " hindi ko natuloy ang sasabih ng yakapin niya ako. Natigil at bahagyang nagulat din sa ginawa niya. "K-kian." sambit ko.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
