Chapter 14

10 0 0
                                        

Via

"Woahh. Hindi na ako magpapalate next time." narinig kong sinambit ng isang kasama naming lalake na habang nililibot ang lugar kung nasaan kami ngayon.

Hawak namin ang tig iisang walis at plastic garbage. Nasa pinakalikod at labas na kami ng school ngayon. Maraming basura ang nagkalat at halos hindi namin maatim ang ibang amoy dito.

"Ang panghi dito!" Singhal at reklamo ng isang kasama namin.

Napatakip din ako ng ilong.

"Sino ba kasi nagtatapon ng basura dito? Hindi ba nila alam kung saan ang tamang lagayan ng basura?" Galit na singhal ng kasama naming babae.

Napahigpit ang hawak ko sa walis. Para akong nanghina. Nalate lang naman ako ng gising at pasok pero sobra ata sa parusa ito. Paglinisin na ako sa buong campus, huwag lang dito. Sayang ang niligo ko kung dito rin ang diretso ko.

Malawak ang lilinisan namin at mukhang aabutan kami ng kalahating oras dito sa paglilinis. Sinuot namin ang gloves na binigay sa amin.

"Ready na ba kayong maglinis, late comers?" Napalingon kaming lahat sa biglang pagsulpot ni Sir Digs sa likod namin kasama ang dalawang lalaking Janitor ng school.

"Sir naman. Sa dinami dami ng pwedeng lilinisan eh dito niyo pa talaga kami dinala?" reklamo ng isang babaeng kasama namin habang nakahawak ito sa dibdib.

"Sure na talagang dito kami maglilinis Sir?" tanong ng isa.

"Hindi ko naman kayo pinagdala ng mga gamit panlinis para magtour lang dito iho." sagot ni Sir Digs sa nagtanong.

"Sir, ang baho dito. Baka magkasakit kami."

"Oo nga po sir. Sa loob nalang po kami maglinis."

"Ayoko rin po dito sir. Nakakadiri."

"Nakakasuka din po."

Napahawak sa batok si sir na para bang nastress sa mga reklamong narinig.

"Ang aarte. Hindi na kasalanan yan ni sir. Nalate kayo. Tayo! Rule yan dito sa school. Halatang hindi kayo sanay sa hirap at puro sarap sa buhay ang nararanasan niyo!" Singit ng isa sa amin. Tinalikuran kami at nagsimula na itong magpulot.

Sumunod na din ako at iba pa. Nagtinginan naman ang ibang mga nagreklamo. Kung hindi pa sila pinagalitan ni sir Digs ay hindi pa sila gagalaw.

Naghiwahiwalay na kaming lahat.

Natigil ako ng libutin kong muli ang itsura ng paligid. May daanan dito at masukal na gubat na ang likod nito.

"Bakit kasi may nagtatapon dito." Padabog na reklamo ng katabi ko.

Natigil ito sa ginagawa at tiningnan ko ito.

"Kesa magreklamo ng magreklamo, magpulot ka nalang para mabilis tayong matapos." Paalala ko. Maski ako ay naiinis narin sa kinikilos at palagiang reklamo ng mga ito.

Lumayo ako ng bahagya sakanila. Nakita ko si Jarus at Kian. May sari-sariling mundo sa paglilinis.

Sa hindi inaasahan ay napalingon si Kian sa pwesto ko. Sandaling nagtagpo ang mata namin na agad din naming iniwas. Para akong kinapusan ng hininga sa sandaling oras na iyon pero nabawi din. Palihim muli akong tiningnan siya na ngayon ay nagpupulot ulit siya. Lumayo bahagya sa amin.

Maya maya ay napansin ko ang isang babae na pumunta sa kinaroroonan ni Kian. Kumunot ang noo ko. Bigla akong nakaramdam ng inis. Kinakausap pa siya.

Bahagya akong pakunwaring lumapit sakanila para marinig ang pag-uusap nila. Palihim parin akong sinisilip sila habang kunwaring nagpupulot at nagwawalis nadin. Napaiwas ako ng tingin at tumingala ng pumunta sa akin ang mata ni Kian. Nahuli ba ako? Sana hindi. Bahagya ulit akong lumayo.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon