Chapter 8

8 0 0
                                        

Via POV

"Sana araw-araw libre para ginaganahan lagi." Sambit ni Gail ng nasa sasakyan na kami.

Natawa naman si Jarus na siyang nagdradrive ngayon. Nasa passenger seat ako at nasa backseat naman si Gail.

Nakapatong ang kanang siko ko sa bintana at sapo naman ang ulo. Lumilipad ang isip ko sa aksidenteng nagawa ko kanina. Kanina pa ako nag-iisip kung babawin ko ba ang friend request na aksidenteng napindot ko. Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa ngayon.

Bahala na nga. Isipin niya ang gusto niyang sabihin. Basta friends lang. Tsaka classmate kami. No other meaning. I sighed.

Nakarating kami sa mall at panay hila sa akin ni Gail sa mga shop ng damit. Magtitingin, kunwaring isusukat pero ibabalik din. Kumbaga ang lahat ng nakikita at nagugustuhan ay for your eyes only. Walang budget kaya sa iba ka nalang.

"Bakit hindi kasama si Lalaine at Gio?" tanong ni Gail habang naglalakad kami at may tag-iisang buko juice na iniinom sa plastic cup.

Napatingin ako kay Jarus.

"I-I tend not to invite them actually." Nahihiyang sagot niya at umiwas ito ng tingin.

"So si Via lang talaga ang inaya mo at wala kang balak na imbitahin ang dalawa?" usisa ni Gail at straight to the point na tinanong ito.

Tumikhim ako.

"Andito ka kung hindi mo nakikita ang sarili mo Gail." singit ko.

Parang nagiging uncomfortable na kasi ang paligid sa topic.

"Pero ako ang nagpresenta sa sarili ko na sumama. In short chaperone ako sa date niyo." Pagpupumilit nito. Napapikit ako para kalmahin ang sarili ko.

"Hindi nga ito date." Mahinahong pangungumbinsi ko.

"Baka gusto niyong kumain? Nagugutom ako."aya ni Jarus at pag-iiba niya sa usapan.

"Why not coconut basta ba libre niyo." sagot ni Gail.

Napabuga ako ng hangin.

"Then, let's go!" Hila niya sa amin.

Napailing ako. Minsan nagpapasalamat nalang ako kay Jarus at alam niyang makiramdam. Ayaw ko ring mabigyan ng ibang tao ang pagkakaibigan namin. Mas maganda ang ganitong bonding at komportable na meron kami kesa malumutan ng ibang meaning dahil sa maruming isip ng ibang tao.

Pumasok kami sa bagong bukas ng fast food dito sa mall. Hindi pa siya sikat pero nakakatakam ang mga menu na nasa screen nila. I even gulped and craved to the picture.

"Order lang kayo ng gusto niyo at ako na ang magbabayad." prisenta ni Jarus.

We ordered the food at ang amoy palang pagkalapag sa harapan namin na nakakaenganyo na. Nagsimula kaming kumain. Magana na para bang nagkakagalitan kaming tatlo dahil tahimik at busy kami sa pagkain. Walang pakeelamanan basta mabusog lang at malagyan ang tiyan.

Nang matapos kami ay si Jarus talaga ang nagbayad. Hindi niya pinakita ang bill sa amin bagkos ngumiti lang ito na para bang pinapakita na kayang kaya ang tatlong zero.

Sabagay ay mayaman naman tong si Jarus kaya hindi problema ang pera sakanila. They owned a restaurant near here. Maraming branch narin ito. Hindi narin ako nagtaka kung bakit hindi niya kami pinagpilitan na kumain don. I never asked him but his action speaks.

Nasa pamamasyal kami sa department store ng makita namin si Trisha kasama ang family niya. Hindi niya kami nakita pero pansin ko ang walang kabuhay buhay na paglalakad nito. Nakahalukipkip habang dala sa mukha ang pagkakawalang interisado sa mga nakikita.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon