Kian
Tumigil ako pagkatapat ko sa convenience store namin. Dala ang bike ko ay nilagay ko ito sa gilid at tiningnan ang isang itim na sasakyan. Mula sa labas ay tanaw ko sa loob ang kaganapan.
Pumasok ako at dirediretsong naglakad na hindi na sila tinitingnan. Pumasok ako sa pintuang papasok sa tinutuluyan namin ni mama sa mismong loob din ng store.
Pagkapasok ko sa loob ay sumunod din si mama na napansin ang presensiya ko. I went to the sink and wash my face. Pagkatapos non ay kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig.
"Anak." Hindi ako huminto sa ginagawa. I kept on doing what makes me escape to this situation. Ininom ko ang basong tubig na hawak ko.
"Kian." It's him. Hindi ko siya tinapunan ng tingin pagkatapos niya akong tawagin.
"Anak Kian." lumapit ang mama ko sa akin.
"Pagod po ako ma. Sorry po." Tinungo ko agad ang pintuan ng kwarto ko at pumasok doon. Nilock ko agad.
Umupo ako sa kama. Tiningnan ko ang picture namin ni mama sa ibabaw ng study table ko. Kitang kita doon na masayang masaya na kami kahit kaming dalawa lang. Kahit hindi na siya dumating sa amin. Kahit hindi na siya bumalik at nagpakita sa amin.
Inihiga ko ang katawan ko sa kama. Ramdam ko ang pagod at sakit ng katawan. Pinikit ko ang mga mata ko para maibsan ang nararamdaman ko pero hindi ganun kadali. Parang isang imahe ang biglang nagpakita sa akin. Ang mga alaala hindi namin siya kasama. Ang mga panahong umiiyak si mama na yakap ako. Ang mga ngiting sa likod non ay sakit at pagtitiis.
Hindi naging madali ang buhay namin ni mama. Palipat lipat kami ng tirahan na parang may tinatakasan. Parang may tinataguan. Nakakapagod pero hindi ako nagreklamo. Hindi rin ako nagtanong tungkol sa ama ko dahil ang tanging pagkakaalam ko ay patay na talaga ito. Akala ko kami nalang talaga ang natitira.
Nakapikit parin ako nang marinig ko ang isang sasakyang kaaalis lang. Maya maya ay sunod sunod na katok ni mama. Pinalipas ko ang ilang minuto bago ko binuksan iyon. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni mama. Nagmamakaawang makinig ako sakanya.
"Can we talk anak?" She asked. I nodded and went outside my room.
Umupo kami sa mga upuang kaharap ang maliit na mesang kainan namin.
"Galit ka pa ba sa papa mo anak?"
Pagkarinig ko sa salitang papa ay para bang ang hirap paniwalaan na may papa pa pala ako. Tiningnan ko si mama.
"Wala akong papa mama. Di po ba patay ng ang papa ko? Matagal ng patay." masakit man sa mama ko na marinig ang mga salitang ito sa akin pero iyon ang totoo at nararamdaman ko.
"Anak." pagmamakaawa ni mama sa akin. Hinawakan niya ako sa isang braso ko. Ramdam ko iyon pero bato ang puso ko kapag ang pinag-uusapan ay magaling kong ama.
"Para sa akin, patay na ang papa ko." pagmamatigas ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nakita ko ang pamumuo ng tubig sa mata niya.
"Alam kong galit ka sakanya anak, pero ... pero bumalik na siya sa atin. Gusto niya na tayong makasama." pagmamakaawa at paliwanag niya. "Anak, alam mong siya nalang ang kulang sa atin para mabuo tayo. Para maibigay ko ang pamilyang buo na matagal ko nang pinapangarap na maibigay ko sayo." Humikbi si mama.
Napaiwas ako nang makita ko ang tuloy tuloy nitong mga luha. Kahinaan ko ang mga luha ni mama at kung maaari ay ayaw ko iyong makita. Ayaw ko rin na ako ang magiging pulot dulo non pero wala akong nagawa.
"Sapat na po kayo sa akin." tanging sagot ko.
"He wants us back anak." Pagmamakaawa ulit niya.
Tumayo ako. Alam kong ikadudurog nito ni mama pero hindi ko pa siya matatanggap. Hindi pa siguro. May panahon pero hindi pa ngayon.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...