Via
"Tita Lyn?"
Agad akong napatingin sa kusina. Sana lang at huwag magpakita si Kian.
"Via, pwede ba kitang makausap?"
Agad akong nagtaka sa pakiusap niya. May nangyari ba?
"May nangyari po ba?" agad kong tanong.
Agad tumingin sa likod at gilid saka binalik ang tingin sa akin.
"Ganito kasi ... ahm.. Kailangan ko ng pera Via. Baka meron ka diyan." bulong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang narinig at nakita si tita na humingi ng pera sa akin. Actually, may inilaan talaga akong ibibigay sakanila. Ibibigay ko sana kapag bumisita ako sakanila pero naunahan naman na niya ako.
"Wala pong problema tita. May tinabi po ako dito para sa inyo at kay Lily." papapasukin ko ba si tita? Baka magkita sila ni Kian. Magtataka siya kung bakit kami magkasama.
"Salamat Via, pero medyo malaki laki ang kailangan ko." Saka tumingin muli sa paligid. "Kalahating milyon ang kailangan ko." bulong niya na kinamilog ng mata ko.
"Kalahating milyon?" gulat at medyo napalakas ko ng kaunti ang boses ko na kinatakip agad niya sa bunganga ko.
"Shhh ka lang. Baka may makarinig." Aniya niya.
"Tita, ang laki naman niyan. Saan kukuha ng ganyang kalaking pera?" gulat ko.
Agad siyang pumasok sa loob na kinataranta ko. Mabuti nalang at walang gamit dito sala si Kian kundi magtatanong itong si tita.
Umupo agad siya sa sofa at sumandal na para bang pagod na pagod.
Sinara ko ang pinto saka lumapit kay tita.
"Ang laki naman po ata ng kailangan niyong pera tita. Saan niyo po ba gagamitin?" tanong ko habang ang mata ko ay hindi mapakaling tumingin tingin sa kusina.
Umayos ito sa pagkakaupo.
"Magtatayo kasi sana ako ng business. Nakapag invest na ako ng mga product kaso downpayment nalang ang kulang. Pero kilala mo naman ako diba Via? Cash agad ang binabayad ko."
"Eh tita kalahati lang po ng sweldo ko sana muna ang ibibigay ko sa inyo. Kakasweldo lang po kasi namin at marami pa po akong babayaran." Paliwanag ko.
"Sige. Pakikiusapan ko nalang siguro muna yung pag iinvest'an ko ng mga ibebenta ko. Malaking tulong din kasi iyon sa amin ni Lily lalo na sa magiging future niya. Hindi mo narin kailangan magtrabaho pa kay Gail sa flower shop kung nagkataon na magboom ito Via." Hayag niya saka tumayo.
Parang naatrasan ako ng dila na sabihin ang totoo kay tita na hindi na ako sa flower shop nagtratrabaho.
"Saan po kayo pupunta tita?" agad niya akong tiningnan.
"Sa kusina. Nauuhaw ako." Saad niya na kinataranta at kaba ko.
"Ako nalang po ang kukuha." Presenta ko.
"Ako na." Pilit niya saka pumunta at sinundan ko naman agad sa likod nito. I crossed my middle and index finger na sana hindi sila magkita.
Nang makarating kami doon ay hindi namin naabutan si Kian. Nagtaka ako. Saan siya nagtago o pumunta?
"May kasama ka dito?" tanong ni tita ng makita ang dalawang plato sa lamesa.
"P-po? Ahm, w-wala po. Si Gail sana kaso hindi natuloy." Pagsisinungaling ko.
"Ahh. Okay." Saka uminom ng tubig. "Hindi narin ako magtatagal at inaantay na ako sa bahay. Salamat Via ha? Makukuha ko na kaya next week yun?" habol niya.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanficSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...