Via
"Congratulations!!" bati ni sir Ivan sa amin.
Nagkaroon kami ng farewell party nang matapos ang graduation namin dito sa isang resort na malapit lang sa amin. Lahat ay nagkakasiyahan at sumasabay din sa tugtog ang mga bewang at kamay nila. Andito rin ang ibang teachers namin para makisaya sa celebration ng pagtatapos namin.
May ilang nagkwekwentohan at ang iba naman ay naliligo na. Nakashort at sando lang ako para anytime na gusto kong maligo ay makakaligo ako.
Kanina ko pa hinahanap si Gail na kanina ay nagpaalam itong mag CR lang. Si Kian ay hiniram sa akin nila Dale na kahit ayaw niya sana ay pinagtulukan ko pang isama nila ni Cedric.
"Nakita mo ba si Gail?" tanong ko ng makasalubong ko ang isa sa mga classmate niya.
"Hindi eh." sagot niya at umalis din agad.
Dumeretso ako sa mga shower area at room pero wala akong nakitang Gail. Binuksan ko ang bawat pinto roon pero hindi ko siya nakita. Nasa paghahanap ako ng may tumawag sa akin. Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Noong una ay hindi ko siya nakilala sa pangalan pero pamilyar sa mukha.
"Huwag mong sabihin na hindi mo na ako kilala?" biro niya. Pilit akong ngumiti pero sa totoo lang ay totoo naman ang sinabi niya. Hindi ko talaga siya kilala.
"Sorry." panghihingi ng tawad.
"That's okay. Elthon, Elthon is my name." paalala niya at doon ko naalala.
"Oo nga pala. Elthon. Hi." Bati ko.
"Mukhang may hinahanap ka? Boyfriend mo ba?" tanong niya.
"Hindi. Iyong kaibigan ko." hayag ko.
"Ahh. Ano ba ang pangalan at baka pwede kitang masamahan sa paghahanap." Presenta niya.
"Naku, hindi na." tanggi ko. Isa pa at baka pag nakita kami ni Kian na magkasama ay paniguradong magagalit iyon.
"Ano ka ba. Wala namang masamang tumulong since were friends now. Iyon nga lang ay kung hindi mo pa ako tinuturing na kaibigan." Pakonsensiya niya.
Para tuloy akong nahiya sakanya.
"Hindi naman sa ganun ... "hindi na niya ako pinatapos ng hilain niya ang kamay ko na kinagulat ko at hila din pabalik.
Biglang lumakas ang dagundong ng dibdib ko. Hindi na ako komportable sa inaasta niya.
"Sorry. Babalik nalang ako sa area namin at baka bumalik na siya doon." iwas ko.
"Tulong lang ang inooffer ko Via. Don't worry." lumapit ito sa akin. "Kung naramdaman mong medyo uncomfortable ka sa akin, I want to apologize. Hindi ko sinasadyang maramdaman mo iyan." He continued.
"Okay lang. Alis na ako." iwas ko at aalis na sana na mahawakan ako sa braso na kinaigtad ko at tingin sakanya.
"Sana huwag mo rin akong iwasan. I just want to make friends with you. That's it." Tumayo ang balahibo ko.
Agad kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Okay." Sagot ko at tumakbong iniwan siya.
Nang makarating ako sa area namin ay wala pa si Gail. Maski sila Kian ay hindi pa bumabalik. Napansin ko si Vim na may hawak na win at goblet sa kamay nito at papalapit sa akin.
"Hey Via." tawag pansin sa akin ni Vim. "Let's unwind ourselves through this. Minsan lang tayong mag-inom na kasama ang mga teachers." saad niya at sinalinan ang isang baso at inabot sa akin.
"Hindi ako umiinom Vim. Salamat nalang." tanggi ko.
"Why!?" bahagyang nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Ang ilan din ay napatingin sa amin.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...