Chapter 58

4 0 0
                                        

Via

Halos hindi ko makumbinsi ang sarili na ganito ang bubungad sa akin. Marami nang nakapatong na folders sa desk ko. Hinubad ko ang suit ko at nilagay sa sandalan at pinatong naman ang shoulder bag ko sa gilid ng desk ko. Tiningnan ko isa isa ang mga folders at biglang sumakit ang ulo ko sa dami ng numbers. Napahawak ako ng di oras sa ulo ko ng literal na maramdaman ang bumungad sa aking trabaho.

"Hi Via." agad ako napalingon sa tumawag sa akin. Iyong head namin na si sir Rico.

Tumayo agad ako at binati siya.

"Goodmorning po sir." bati ko.

"Goodmorning din. Welcome sa department namin." tiningnan ko ang iba at ngumiti at kumaway sa akin.

Nginitian ko naman sila pabalik.

"Well, nakita mo naman siguro ang mga folders na yan. That will be your first assigned task. To be the encoder. Since medyo pressures ang mga trabaho natin dito at hindi natin mapasabay sabay, I'll give you the work that others can't do yet because of so many load carried to them. Is that okay?"

Tiningnan kong muli ang mga folders na nasa table ko saka binalik ang tingin sa head namin at tumangong ngumiti ako. Kahit sa loob loob ko ay parang mahihirapan ako dito.

"That's good." May inabot itong folder sa akin na may lamang makapal na mga bond papers sa loob. "Ihahabol ko lang. Matatapos mo kaya hanggang bukas?"

"Via yung akin ay sa susunod na araw pa naman." singit ng isa.

"Sis, sa akin mamayang hapon na. Ipapaaproved ko pa kasi sa taas."

"Bukas din ang akin."

"Mamayang hapon narin ang akin pero take your time."

Halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa sabay sabay nilang pagasasalita. Sumasakit na lalo ang ulo ko. Kakayanin ko ba dito? Magtatagal ba ako sa trabahong ito?

"Stop! Mag-isa lang si Via okay? Yung mga mamaya na ipasa ay kunin niyo yung mga folders niyo sa table niya at kayo ang gumawa. Mamaya na pala ipapasa tapos iaasa niyo sakanya. Nag-aadjust pa siya sa trabaho niya tapos papatungan niyo na ng maraming gawain? Maawa naman kayo." lintaya ng head namin.

Sana nga pati ikaw ay bawasan din ang ipapaencode nang maramdaman ko namang welcome talaga ako dito.

Nang matapos ang mahabang discussionan ng head namin at pinakilala sa akin isa isa ay hinarap ko na ang trabaho ko. Ang iba ay binawi ang mga folders sa table ko at humingi ng paumanhin sa akin. May ilan naman na nakisingit nalang since kaunti lang naman ang ipapaencode.

Mabilis naman ako magtype at sana kayanin ng daliri ko ang ganitong karami.

Hindi ko narin napansin ang oras na lumipas at tanghali na pala. Halos mawala na ang ibang mga kasama ko dito kung hindi tumunog ang tiyan ko at nagpaparamdam na kakain na.

"Via, sabay ka na sa aming kumain. Mamaya na yan." aya sa akin ni Adelfa. Isa rin sa mga kasama namin dito at medyo chubby ang katawan nito.

Ngumiti ako at tumayong sumama sakanila. Pumunta kami sa Cafeteria na nasa ground floor makikita. Malawak ito at napakaraming tao na halos puro mga empleyado nila ang mga nandito na galing sa iba't ibang departemento. Nakipila kami ni Aldelfa.

"May boyfriend ka na?" biglang tanong sa akin na kinatingin ko agad sakanya.

"Meron." sagot ko. Hindi pa naman kami nagbrebreak pero nasa complicated status kami ngayon.

Simula nang umalis siya ay hindi na ito nagtext o tumawag. May 1 week na siguro? Bukas narin narin ang bar exam nila at ilang araw lang din ay malalaman na ang resulta kung nakapasa siya o hindi.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon