Via
"Makikikain sana ako kaso bigla na akong nahiya." natawa ako ng sabihin iyon ni Gail.
Napapunas ako sa luha ko sa pisngi pagkatapos niyang sabihin iyon. Iyong tipong alam niya kung saan niya ako huhuliin at patatawanin. Niyakap ko si Gail.
"Salamat Gail." Bulong ko dito.
"Ano ka ba. Sino sino pa ba ang magdadamayan kung hindi tayo tayo din." sagot niya. "Ginawa mo lang ang tama dahil ayaw mong masaktan si Lalaine at ayaw mong paasahin si Jarus. Sabi nga nila, mas maganda na yung sinampal ka sa katotohanan kesa sinanay kang mamuhay sa purong kasungalingan. Saan ka doon? Masakit sa una pero matatanggap din nila kalaunan." napahigpit ako ng yakap sakanya. Wala akong masabi at sagot pero sobrang pasasalamat ko sa Diyos na may Gail akong nakamulatang kaibigan na hindi nagsasawa sa akin.
Nang matapos ang dramahan at nakapagpaalam na kami sa isa't isa ay pumasok na kami sa loob ng bahay namin. Pinakiramdaman ko si Lalaine kung papansinin ako paglabas ng kwarto niya pero kahit na magkatabi kami ay hindi niya ako inimikan.
Pumasok ito sa loob pagkatapos naming maghugas na dalawa. Kating kati ang paa kong gustong pumasok sa loob ng kwarto niya pero parang may pumipigil sa akin at hindi ko magawa.
"Nak. Ibigay mo itong gatas kay Lalaine." Abot sa akin ni mama. Agad akong tumayo at tumungo sa pintuan niya at kumatok.
"Lalaine. Papasok ako." paalam ko.
Hindi ito sumagot. Pinihit ko ang seradura at binuksan ito. Naabutan ko siyang may sinusulat sa notes niya habang nakaupo ito sa kama. Nakasandal sa unan at nakataas din ang tuhod na nagsisilbing patungan ng notes na hawak niya.
Lumapit ako dito at nilagay sa katabing table ang gatas niya. Nilibot ko ang kwarto na dating kwarto ni tita Lyn.
"Ayos ka lang ba dito? Hindi ba mainit? Wala bang insekto o ano?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
Umupo ako sa kama.
"Sorry." Paghihingi ko. Alam ko naman kung ano ang dahilan bakit hindi niya ako pinapansin. Bakit hindi niya ako kinakausap.
Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay masasaktan din ako. Magagalit. Kaya hindi ko siya masisisi kung iyan ngayon ang nararamdaman niya sa akin.
Tatayo na sana ako ng magsalita siya.
"Nasasaktan parin ako Via. Aaminin kong naiinis ako. Nagagalit. Hindi ko alam kung sa sarili ko o sayo. Parang ang unfair kasi ng mundo. Para akong pinagkaitan o sadyang maling panahon at tao lang talaga."
"Lalaine. Huwag mong isipin yan. Lahat ng bagay ay may rason. Maski ang baby na nasa sinapupunan mo ay may rason bakit dumating sayo. Pero kailangan mong pakatatagin ang sarili mong harapin ang pagsubok sayo."
"Madaling sabihin pero mahirap gawin Via. Wala ka sa sitwasyon ko."
"Alam ko. Wala ako sa sitwasyon mo para sabihin ang mga ito kaya mga advices lang pwede kong maitulong ngayon sayo. Hindi ko alam nararanasan mo kung gaano kahirap o kasakit pero Lalaine, gusto kitang damayan na kahit alam kong isa ako sa mga rason bakit ka nasasaktan ay naghahangad din akong mawawala at makabawi din sayo."
Nilagay ang notes sa gilid niya.
"Huwag na Via. Ayos lang ako." tumingin siya sa akin. "Kung tutuusin, ako ang pumasok sa pintuang hindi talaga para sa akin. Sinunod ko kasi ang puso ko instead na ang utak ko. Masyado akong inlove kaya nawala ako."
Hinawakan ko ang braso niya.
"Hindi ka nawala Lalaine. You just found the place where you belong. Where you can learn more and grow. Kumbaga nasa reality tayo at hindi kailangang ng exam paper para makapasa kundi practical exam na kailangan mong kayanin at lampasan kahit na anong mangyari." tumingin ako maliit niyang tiyan. "That bean inside your womb is not a mistake but a blessing. Always remember that." saad ko dito.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
