Via
"Guys! Final practice na natin to! Ayusin niyo naman!" naiinis nang sigaw ni Trisha sa amin.
May ilan kasi sa aming nagkakamali pa at hindi nakakasabay sa action. Kitang kita sa mukha ni Trisha na nagpipigil ito sa inis. Ayaw sigurong masira ang poise nito. Nagmamaganda kay Kian eh. Kanina pa.
Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa tuwing lumalapit siya kay Kian. Parang nangangati ang kamay ko at gustong manabunot ng buhok.
"Inhale, exhale." pagpapakalma ko sa sarili at tinuon nalang sa iba ang mata ko.
Nang matapos kami sa praktis at medyo handa na para bukas ay nagsiuwian na kami.
Ilang araw din ang lumipas nang mapanood ko ang video at ngayon ay nasa likod ako ni Lalaine na naglalakad papuntang gate.
"Sigurado ka bang susundan natin si Lalaine?" bulong ni Gail na ngayon ay nasa tabi ko.
Hindi ko kwinento lahat sakanya at baka madulas ang dila at masabi sa iba. Sinabi ko lang na hindi na niya ako pinapansin at parang nag-iba narin ang mga kinikilos nito kaya sinabi ko sakanyang susundan ko siya which is totoo naman.
"Okay lang naman kung ako nalang ang susunod sakanya. Mauna ka nang umuwi." sagot ko dito.
"Hindi. Sasama ako. Kaibigan ko rin si Lalaine noh at saka pansin ko rin na parang nag-iba na nga talaga siya. Hindi na siya yung dating Lalaine na kaibigan natin." komento niya.
Pagdating namin sa gate ay huminto kami ng tumingin ito sa paligid. Kunwari namang sa kabila kami dadaan para hindi mapansin na sinusundan namin siya. Tumawid ito sa kabilang daan para sumakay ng bus.
Kumunot ang noo ko. Kailan pa sumasakay ng bus si Lalaine? May sundo ito palagi at ngayon ko lang siyang nakitang sumakay ng bus.
"Gail. Mauna ka nang umuwi." Utos ko dito.
"Sigurado ka? Baka gabihin ka na naman at hanapin ka ng magulang mo sa akin ha?" aniya niya.
"Sabihin mo nalang na nasa inyo ako para hindi sila mag-alala." sagot ko.
"Anong irarason ko kung tanungin nila ako?" dagdag niya.
Nakita kong papaalis na ang bus.
"Ikaw na ang bahalang mag-isip." pagmamadali ko at agad tumawid sa kabila.
"Via!" tawag niya sa akin pero hindi ko na pinansin at pumara ng taxi.
Agad akong sumakay at pinasundan ko ang bus na lulan si Lalaine. Nang bumaba ito ay doon ko din pinahinto ang sasakyan at bumaba roon.
Tiningnan ko ang paligid. Hindi ito ang papunta sakanila. Pumasok ito sa isang kanto na agad ko namang sinundan. Hindi niya ramdam na may sumusunod sakanya at kapag lilingon naman siya sa banda ko ay nagtatago naman ako sa mga poste na madadaanan o dadaanan ko.
Tumigil lang ako ng pumasok ito sa isang lumang gate. Lumapit ako at sinilip iyon. Medyo maliit ang bahay at may ilang halaman sa gilid at laruang nagkandakalat sa bakuran nito.
Nagtago ulit ako ng may lumabas. Hindi ko na nakita kung sino iyon at dali dali akong sumandal sa poste. Sinilip ko ang lumabas at si Lalaine iyon. Nakapangbahay na ito. Loose tshirt at short. Nakataling pataas din ang buhok nito at dala dala ang isang plastic bag ng basura.
Nang papasok na ito ay napunta sa akin ang mata niya at nakita ako. Pumeywang itong inaantay akong lumabas.
"Kung magtatago ka siguraduhin mong tago ang buong katawan mo para hindi naman halatadong sinusundan mo ako kanina pa."
Sumilip ako at nasa akin ang mata niya. Dahan dahan at bahagya akong nakayukong lumabas sa tinataguan kong poste.
"Kitang kita ba ako?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...