Chapter 26

3 0 0
                                        

Via

"Baka naman lagpas lagpas na Via. Ayusin mo!" reklamo ni Vim ng ako na ang naglalagay ng eyeliner niya.

"Relax ka lang. Expert ata tong kaharap mo." yabang ko.

Nang matapos ko ay binalik ko ang ginamit ko sa pouch niya at tumuwid ng tayo.

Tiningnan naman niya ang sarili sa salamin.

"Infairness, I like it." Puri niya at tiningnan ako. "Magaling ka palang magmake up?" muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin.

"Lagyan ulit natin ang lipstick mo."

Kinuha ko ang lipstick niya sa pouch niya at maingat na nilagyan ito. Nang matapos ko ito ay satisfied na satisfied ito sa itsura niya at gandang ganda sa sarili.

"Wow. Thanks Via."

Ngumisi ako.

"You're welcome." sagot ko.

"Guys!" agaw ng atensyon naming lahat nang magsalita ang kakadating na si Trisha. "Let's go. Nasa Auditorium na silang lahat." Imporma niya.

Napunta sa akin ang mata niya at sinalubong ko iyon. Inirapan niya ako sa huli at nauna nang lumabas at sumunod ang lahat.

"Halika na." aya ni Jarus sa akin.

Tumingin ako sa bandang upuan ko para alamin kung andito na si Kian pero wala pa iyong bag niya.

Sumama na ako kay Jarus papuntang Audi. Pagkarating namin doon ay naroon na ang ibang mga studante. Ready narin ang mga classmate namin para sa presentation nila.

Tahimik lang ako sa gilid at pinapanood ang mga kasama ko. Nag-iinstruct si Trisha sa harapan namin. Nang kami na ang sasabak sa harap ay todong todo ang ngiti niya.

Hinanap ko si Kian sa mga kasama namin at nang makita ko siya ay nginitian ko ito nang ang mata niya ay dumapo sa akin. Ngumiti rin siya pabalik.

"Via." agad kong lingon kay Jarus. "Doon ka daw sa gilid." turo niya sa akin.

"Ah oo." agad akong pumunta sa sinabi niya.

Nasa harapa ko si Lalaine pero todo ang layo sa akin. Tiningnan ko naman si Andrea na katabi ko at tahimik lang din ito. Lumapit ako sakanya.

"Nasaan si Dale?" Mahinang tanong ko dito ng hindi mapansin si Dale.

Tumingin sa akin si Andrea.

"Hindi siya makapunta at masakit daw ang paa niya. Na-sprain kahapon sa practice nila." paliwanag niya.

Tumango ako.

Nagsalita na si Trisha at inuntroduce na kami. Pagkatapos non ay nagpresent na. It went well at kita sa mukha ng lahat na satisfied maliban sa isa. Si Vim. Hindi ito makangiti at bagsak ang mukha nitong bumaba sa stage.

Matalim niyang tiningnan si Trisha and she did the same thing too to Vim.

Bumalik na sa upuan ang iba pero sinundan ko si Trisha at Vim na pumunta sa CR na mukhang doon mag-aaway.

"I told you to let me stand in front pero sa likod mo ako pinuwesto!" Galit na saad ni Vim kay Trisha.

"For what? Para mapahiya tayo? Would you mind to act like a matured one Vim and try to understand why I did that." paliwanag nito.

"I don't understand because you're always putting me down. You're always keeping me behind like I have nothing to show. Hindi sa lahat ng bagay susunod ako sa gusto mo in exchange my good grades Trisha. Baka nakakalimutan mo, wala ka sana dito kung wala ako. Don't act like you're more superior than me. Hawak kita sa leeg. I can bring you down anytime." banta nito.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon