Chapter 49

5 0 0
                                        

Via

Kagabihan din ng araw na iyon ay tinext ko na si Attorney Joe na hindi ko na itutuloy ang kaso. Nagtaka at marami siyang tanong sa una pero naintindihan niya din ako sa dulo. Isa pa ay wala rin akong sapat na pera para pambayad sakanya. Ayaw ko rin iopen kay tita at baka magalit siya sa akin sa pagbigla biglang desisyon ko.

Unang pumasok sa isip ko ay ang makatapos sa pag-aaral. Kailangan kong makapasok sa kumpanya nila. Wala ng ibang paraan kundi iyon lamang. Hindi naman ako pwedeng magsigaw sigaw sa harapan nila o kaya naman ay pumasok bilang katulong para makakalap lang ng impormasyon. Kailangan kong makapagtapos para hindi nila ako maliitin kung sakaling makilala at makaharap ko sila.

Habang nag-aaral ako ay sinubukan kong maghanap din ng trabaho. Para makatulong at hindi maging pabigat din kina tita sa bahay. Lumaki akong binigay lahat sa akin kaya kailangan kong habaan ang pasensiya ko dito. Kailangan kong kumayod para sa sarili. Wala na akong ibang aasahan pa. May anak rin si tita na kailangan niyang pag-ipunan para sa future nito at gastusan araw araw para sa pangangailangan din.

Nakahanap ako ng isang bar na naghahanap ng waitress. Nag-apply agad ako since night shift lang pwede ako. 7 ako magsisimulang magtrabaho sa gabi at matatapos ng 2 ng madaling araw. Sana lang at kayanin ko.

Sa unang gabi ko ay nakaenkwentro kami ng mga lasing na nanggulo. Natakot ako sa una. Nanginig ang buong katawan ko sa nasaksihan na halos magpatayan sa harap ko pero agad akong kinalma ng isang kasama ko na nakilala ko sa pangalang Joyce.

Mabait, at may gandang tinatago, hindi lamang sa ugali pero pati sa itsura. Tinatago lamang niya sa makapal na salamin pero kitang kita naman.

Sa mga sumunod na araw, nagiging mahirap sa akin. Papasok ako ng school ng 8 at uuwi ng 5 since regular 2nd year student ako. Papasok ng 7 ng gabi at uuwi ng 2 at makakarating na ng 3. Ilang tulog lang yan tapos papasok ulit. May mga time na nakakatulog ako sa klase at napapansin ng ibang prof ko. Special mentioned pa minsan.

Nang minsang umuwi ako ramdam kong hindi na talaga nakayanan ng katawan ko at bigla nalang ako nawalan ng malay sa daan. Nagising ako nasa isang clinic na ako. Ang sabi ng isang nurse ay may nagdala daw sa aking isang lalaki dito.

Nagtaka ako noong una kung sino ang tinutukoy niya. Binayaran na niya lahat ng bill ko at may mga prutas pang pinaabot sa akin ng magising ako. Unang sumagi sa isipan ko at umasa narin na sana si Kian iyon. Sana. Namimiss ko na rin siya.

Hindi na ako pumasok ng school sa araw na iyon pati sa trabaho.

"Sabi ko naman sayong huwag ka nang magtrabaho eh." bungad sa akin ni tita ng magising ako kinaumagahan.

Nalaman niya kasi nang may nangyari sa akin ng may magtext daw sakanya na nasa clinic ako at nahimatay. Siya narin ang nagsundo sa akin doon.

"Kaya ko po tita. Medyo nanibago lang talaga." paliwanag ko.

"Hindi medyo nanibago Via. Tingnan mo naman ang oras ng trabaho mo. Ilang oras lang ang pahinga mo. Tapos araw araw pa. Straight five days ang klase tapos straight seven days din ang trabaho mo. Paano ang mga requirements mo. Paano ang pag-aaral mo. Nakakapag-aral ka pa ba ng maayos? Naisasubmit mo pa ba sa tamang araw ang mga requirements mo? Umalis ka na diyan sa trabaho mo." Medyo pasermon nitong saad sa akin. Hindi nalang ako nakapagsalita.

May parte sa aking gusto kong umalis sa work ko pero doon nalang ako nakakakuha ng perang pinanggagastos ko sa ibang mga projects at ganun din na pandagdag ko sa tuition ko. Ayaw kong maging pabigat kay tita kaya kung pupwede ay may gagawin din dapat ako.

"Kaya ko po tita. Makakapagtapos po ako. Pangako." Inirapan lang niya ako.

"Bahala ka sa buhay mo." At iniwan ako sa kusina at pumasok sa kwarto nila habang buhat ang anak niya.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon