Via
Kanina ko pa kinukurot ang daliri ko. Kinakabahan ako sa maaaring malaman ko ngayon. Nasa isang coffee shop ako at halos hindi na ako mapakali dito.
Nang dumating na ang mga inaantay ko ay agad akong tumayo para salubungin sila. Mukhang hindi pa sila ayos.
"Elthon. Ano nga pala yung sasabihin mo patungkol kay tita." Agad kong bukas.
Tumingin saglit si Elthon kay Gail bago ito nagsalita.
"Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa tita mo at sinubukan kong hingin ang side nito pero hindi siya nagsasalita. Sinubukan kong sinearch ang pangalan niya pero puro Manilyn Gutierrez ang lumalabas. Clear ang records niya hanggang sa ibigay sa akin ng isang nurse sa hospital kung saan nakaconfine ang pamangkin mo na nahulog ito ng tita mo. Yung wallet niya." nilabas niya ito at binigay sa akin.
Kinuha ko iyon at binuklat ko.
"May ilang pera, ID, resibo. Nandiyan din ang isang calling card na may nakalagay na pangalan na Ken Del Valle. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang ama ni Kian, tama ba?"
Agad nanigas ang kamay ko ng makita ang calling card. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
"At base sa calling card na yan ay unattended na ang number. Noong pinarestore ko itong number ay hindi na daw ginagamit, 4 years ago ang huling gamit dito at mukhang tinapon na ito pero naretrieve ko ang mga ibang calls recent niya that time." Nilagay niya ulit ang isang papel sa table ko. Tumabi sa akin si Gail at nakitingin nadin. "Yung 667 ang last na number ay confirmed na number ng tita mo yan dahil nakaregister sa mga dating naging bank account niya. Noong araw bago masunog ang bahay niyo ay nagtawagan pa sila. Nandiyan yung mga call time history nila. Kung anong date, time, at haba."
"Papaanong magkakilala si tita at sir Ken?" taka ko.
"Diba nagtratrabaho ang papa mo kina sir Ken? Baka doon siya nakilala ng tita mo." Saad ni Gail.
"Pero paanong nagtatawagan pa sila ng ganito kadalas Gail? Kaya ba ayaw akong pagtrabahuin ni tita sa Del Valle dahil may kinalaman siya?"
"Hindi pa natin alam ang puno't dulo Via. Hindi pa tayo pwedeng magconclude sa ngayon. Balik tayo sa kaso ng tita mo. Nakuhanan ko rin ng impormasyon si sir Ivan. Ang asawa niya pala ay pamangkin ng step mother ni Kian. Yung legal na asawa ng father niya ngayon. Sa lahat daw ng kapatid ng father ng asawa ni sir Ivan, itong step mother niya ang hindi niya kasundo. Bukod sa pangit daw ang ugali ay kaya din daw niya manira ng pamilya. Yan ang sabi ng asawa ni sir Ivan."
"Wait. Andito ba sa Pilipinas yung step mom niya?" tanong ni Gail.
"Wala. Nasa New York daw kasama ang asawa niya."
"Ohh. Sa tingin mo Via." tanong agad sa akin ni Gail.
Kung may kinalaman si Sir Ken dito ay kailangan ko dapat siyang makausap. Pero paano?
"Yang pakikipagbalikan mo kay Kian ay pwede ring paraan para malaman mo ang totoo Via pero sana aware ka sa malaking sugat na iiwan sayo niyan." payo niya.
"Kaya mo ba Via? Mukha ngang may kinalaman ang pamilya ni Kian sa pagkawala ng magulang mo." saad ni Gail.
Napayuko ako. Hindi ko alam. Parang ang hirap tanggapin ngayon. Ang hirap isipin na parang malabong magiging masaya kami ni Kian.
"Pag-iisipan ko." sagot ko saka tumayo at umalis.
Pagkarating ko sa apartment ay agad akong umupo sa sofa. Tiningnan ko ang parte ng upuan kung saan ang gabing pinagsaluhan namin ni Kian. Bumigat ang dibdib ko na parang ang unfair naman. Sa dinami dami ng pwedeng datnan ng ganito kaganapan sa buhay ay kami pa ni Kian. Agad kong tinakpan ang mukha ko ng bumigat at nanubig ang mata ko. Sumunod narin ang mga hikbi na kumawala mula sa lalamunan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/265010739-288-k153787.jpg)
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...