Chapter 50

3 0 0
                                    

Via

After I read the note, I went out to find him. Hindi ko na siya makita. Tinuloy ko parin ang paglalakad para hanapin at bahala na kung saan ko ako dadalhin ng mga paa ko mahanap ko lang siya.

Nagbabadya narin ang kalangitan na para bang uulan ng kahit na anong oras. Sa paglilibot ng mata ko at hanap sakanya, napansin ko ang isang lalaking naglalakad na kaparehas ng suot kanina ni Kian.

Tinakbo ko itong nilapitan at hinawakan ang kamay na agad naman nitong kinalingon. Napaatras at bitaw ako ng maling tao pala ang nilapitan ko. Nilibot kong muli ang paligid. Naiiyak na ako.

Yung tipong sobrang excited mong makita siya at mayakap din. Tinuloy kong muli ang paglalakad hanggang sa makita ko siya sa isang bus stop. Alam kong siya na ito. Kilala ko ang likod at side nito kahit hindi kita ang mukha. Nakatalikod at nakapamulsa sa bulsa ng jacket nita. Nakacap.

Naglakad akong lumapit sakanya. May parte sa akin na naiiyak ako sa tuwa.

"Kian." mahinang tawag ko at alam kong sapat iyon para marinig niya.

Napansin kong natigilan siya. Dahan dahan itong nilingon ako hanggang sa nagsalubong ang mga mata naman.

Nanubig ang mata ko ng makita muli siya. Hindi ko napigilang humikbi sa harapan niya at agad lumapit siya sa akin para yakapin ako.

Lalo akong umiyak ng maramdaman ko na siya ngayon. Na nayayakap ko na at nahahawakan. Sobrang saya ko. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko at gilid ng ulo ko.

Hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak na para bang doon ko na binubuhos lahat ng sakit at hirap na naranasan ko sa buong taon. Yung pakiramdam na nahanap mo ang totoong tahanan sa katauhan ng taong ngayong ay kayakap mo ngayon.

"Sshhh. It's okay." patuloy parin niyang hinahaplos ang ulo ko at kinakalma.

Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya. Iyong hindi na talaga siya mawawala sa akin.

Tiningala ko siya para makita ang mukha niya pero natigil ako ng makitang may mga pasa ito sa gilid ng mata at bibig.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko. Hinawakan ko ang mukha niya at nakaramdam ng pag-aalala. "Kian. Bakit may mga pasa ka? Nakipag-away ka ba? May nanakit ba sayo?" taranta ko.

"Don't mind this. I just protected someone." Sambit niya na kinatigil ko.

"Someone? Sino?" nacurious kong tanong. Parang bigla pa akong kinabahan sa someone na yan.

Ngumiti lang ito sa akin. Inipit niya ang ilang tumakas na hibla ng buhok ko sa pisngi at inipit sa tenga ko.

"Someone I really love." Hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko. "And miss her so much."

"Ako ba yun?" agad kong tanong. Ayaw ko rin na iba ang tinutukoy niya. Huwag siyang magkamaling iba at baka dagdagan ko pa ang pasa niya.

Tumawa ito at tumango.

"Bakit ang galing mo manghula? Hmm?" at niyakap muli niya ako ng mas mahigpit pa. "Sabi ko naman sayo noon na kahit anong mangyari, proprotektahan parin kita, kaya sana, magresign ka na sa trabaho mo." bulong niya.

Tiningala ko muli siya.

"Doon ka ba napaaway?" taka ko.

"Napapaaway ako dahil ayokong may ibang lumalapit sayong mga siraulo." hayag niya.

"Eh bakit yung kay Elthon. Hinahayaan mo lang." reklamo ko.

Natahimik siya. Alam kong nagpipigil siya sa maaring mabitawang salita.

"Matino naman siya sa pagkakaalam ko at sa tingin ko ay hindi ka naman niya sasaktan." sambit niya. Ngumuso ako.

"So okay lang sayo na nilalapitan niya ako?" Reklamo ko ulit.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon