Nakatayo lang ako at pinagmamasdan ang isang bahay na sobrang tahimik ngayon.
I was about to step back when Gail called me. Halos nataranta ako at baka marining nila Mama at Papa na nasa harap ako ng bahay.
"Shhhh!" Senyas ko rason para takpan niya ang bunganga niya. Lumapit siya sa akin.
"Bakit ka kasi nandito sa labas. Pumasok ka kaya." saad niya.
Tiningnan ko ang bahay namin. Inaantay nila kaya ako?
"Inaantay ka nila araw-araw." sambit niya na kinalingon ko sakanya. Nabasa niya isip ko?
"Sa tingin mo?" tanong ko.
"Oo. Lagi ka ngang tinatanong sa akin eh. Kinakamusta ka araw-araw. Kaya pumasok ka na sa bahay niyo." udyok sa akin saka ako tinulak papasok sa maliit na bakod namin.
Isang beses pa akong lumingon kay Gail at tumatangong nakangiti naman sa akin saka siya pumasok sa bahay nila.
I heaved a sigh. I went up stairs and was about to touch the door knob when someone opened it.
Parehas kaming gulat sa isa't isa pero biglang lumambot ang mukha ng Mama ko at naluluhang hinagkan ako.
"Anak ko. Mabuti at bumalik ka na." She said crying.
"Mama." I cried too.
Agad bumukas ang pintuan ng kwarto nila at niluwa si Papa. Naiiyak ding nakatingin sa akin at agad na lumapit at hinagkan din ako.
"Welcome back anak." umiiyak na sambit ni Papa.
We're all emotional. Sobrang namiss ko sila.
Pagkatapos ng iyakan moment namin ay inasikaso nila ako na para bang ang tagal kong nawala kahit 1 week lang naman ako naglayas. They never failed to make me feel loved.
"Ang payat payat mo na anak. Kumakain ka ba ng maayos?" alalang tanong ni Papa habang nasa lamesa kami at naghahain naman si Mama.
"Kinakain mo ba iyong pinapadala namin sa boarding house mo?" tanong ni Mama na kinatango ko.
"Maayos naman ang pagtulog mo doon? Hindi ka naman naiinitan o nilalamok?" tanong muli ni Papa na kinangiti ko.
"Pa, huwag po kayong mag-alala. Maayos po ako doon." sagot ko na kinalungkot nila.
"Mahal ka namin anak. Mahal na mahal."saad ni Papa sabay hawak sa kamay ko.
"Mahal ko din po kayo ni Mama." saad ko saka tumingin din kay Mama. "Namimiss ko na din po yung luto niyong masasarap." Then, I pouted.
Tumawa naman sila at bumalik muli ang saya at sigla sa bahay namin. Hindi ko man tanungin kung totoo o hindi ang nalaman ko ay hindi na importante iyon dahil nakikita ko kung paano nila ako mahalin at ituring na totoong anak.
Nalaman ko iyan nang minsang nag-ayos ako ng mga gamit nila sa kwarto at nakita ko ang isang sulat. Hindi ko man pinaniwalaan sa una kung sino ang sanggol na tinutukoy doon pero ako lang naman ang batang lumaki sa piling nila.
Nakangiti akong tinitingnan sila habang masayang nagkwekwento sa akin pati ang karanasan ni Papa sa trabaho niya sa Del Valle Corporation na matunog ang pangalan ngayon sa bansa. Isa si Papa sa mga na nag-apply at pinalad din na makapasok at ilang buwan palang ay kinuha siyang maging Personal Assistant ng pangalawang anak ng Senior Del Valle.
Kita sa mukha ni Papa ang kagalakan dahil sa posisyong ibinigay sakanya. Wala man sa linya ng tinapos niya ang pagiging PA niya ay priveledge na daw sakanya na mapaglingkuran ang sikat na modelong anak ng Del Valle.
"Pa, itext mo lang ako kapag pinapahirapan ka ng amo mo ah." bigla siyang tumingin sa akin. "papalitan muna kita kapag sakali." biro ko sabay ngiti ng malawak.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanficSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...