Chapter 43

3 0 0
                                        

Via

Deleted social media. Cannot be reach. Wala narin ang mga gamit niya at tanging sulat lang ang iniwan nito para sa mama ni Dale.

"Sabihin na kaya natin kay Dale." pangungumbinsi ni Gail sa akin.

Kung tutuusin ay kailangan niya ring malaman dahil may karapatan naman talaga siya. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Dale pero hindi niya ito sinasagot. Nakailang tawag ako pero hindi niya ito sinasagot.

Sinunod kong tinawagan si Kian at baka kasama niya at agad naman niya sinagot.

"Napatawag ka love." bungad niya.

"Kasama mo ba si Dale? Hindi kasi namin siya matawagan." saad ko.

"Hindi siya pumasok. Bakit? May problema ba?" duda niya.

Tiningnan ko si Gail bago ko sinagot ang tanong ni Kian.

"Umalis kasi Andrea at hinahanap kanina ni Dale." Kwento ko.

"Umalis? Bakit? May nangyari ba?" Tanong niya.

"Mahirap ipaliwanag sa phone eh. Tapos na ba klase mo?"

"Kian, can you check this one?" kumunot ang noo ko. Boses yun ni Trisha ah.

"Magkasama kayo?" bigla lumakas ang dagundong ng dibdib ko.

Hindi kaagad nakapagsalita si Kian na para bang bumubwelo para magpaliwanag.

"I'm sorry love. Hindi ko nasabi. Hindi dapat ako kasali sa grupo nila but they insist me to join with them. We're almost done at pupuntahan kita. Asan ka ba?" sunod niya.

"Kian. Hindi ka pa ba tapos? Marami pa tayong tatapusin." Tumaas ang isang kilay ko at kasabay din ng pagtaas ng init ng ulo ko.

Kung makademand sa boyfriend ko para siya ang girlfriend ah.

"Huwag na love." Nagsimula na akong maglakad.

"Via. Saan ka pupunta?" taka ni Gail.

"No. Nasan ka at pupuntahan na kita ngayon."

"Saan ka pupunta Kian?" narinig ko ulit na boses sa kabilang linya.

"Hoyy Via! Saan ka nga pupunta!" Tanong muli ni Gail.

"Huwag na." sagot ko ulit. "Kasi ako ang pupunta diyan." at tumigil sa tapat ng gate ng campus nila.

"Bawal tayong pumasok diyan." Masama kong tiningnan si Gail.

"Nasa harap ka ng school?" tanong niya at rinig kong mukhang naglalakad na ito.

Nang hindi nakatingin ang guard sa pwesto namin ay dahan dahan akong pumasok. Sumunod naman si Gail sa likod ko.

"Via!" tawag muli ni Kian sa kabilang linya. "Asan ka!"

"Papunta na diyan." tanging sagot ko.

"Ano? Saan ka banda?" tanong niya.

"Nasa baba palang. Papuntang 2nd floor?" imporma ko.

"Wait for me. I'll go downstairs." bilin niya at imbis na umakyat ako ay tumigil na ako.

"Ang lawak pala dito?" komento ni Gail habang nililibot ang paligid.

"Via." napalingon kami ng tawagin ako ni Kian mula sa taas at mabilis itong bumaba sa hakdanan at sinalubong ako.

"Let's go?" aya ko. Umakyat ako at bumaba naman siya. Nagkatinginan pa kami ng magkasalungat ang pinuntahan namin.

"Bakit ka pupunta sa taas? Uuwi na tayo diba?" tanong niya.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon