Kian POV
"Please. Answer the call Via." bulong ko sa sarili. Kanina ko pa tinatawagan si Via pero unattended ito kanina pa.
Katatawag lang sa akin ni Rico na bumaba si Via at umiiyak itong nagmamakaawang bumaba. Hindi niya sinabi kung anong rason.
"Whom are we waiting for? Let's go." utos ni lolo at sasakay na sana sila sa private plane ng magsalita ako.
"You can go ahead lo." saad ko. Saka tiningnan ang ilang mga kasama namin dito.
"What's wrong?" Tanong balik sa akin.
"I have to meet someone." Saka tiningnan ang watch ko. Baka maabutan ko pa si Via kung saan siya bumaba kanina.
"Are you sure?" pagdududa ni Chelsea.
I look at her.
"I won't care if you wouldn't believe me." Sagot ko dito saka tatalikod na sana ng magsalita ang nakababatang kapatid ni Kenjie na si Keanna.
"Baka naman tumatakas ka lang." saad nito.
Nilingon ko siya.
"Malinis ang konsensiya ko para may takasan Keanna. Diba Kenji?" tanong ko kay Kenji na agad na kinasama ng tingin sa akin. Ngumisi naman ako.
"Make sure to come on time tomorrow Kian. Our investors coming from England will join us too."
"Okay lo." pinanood ko silang pumasok sa plane isa isa. Nang nasa loob na sila ay umalis na ako.
Papalabas na ako ng airport nang makasalubong si daddy at ang asawa niyang kakarating kahapon.
"Saan ka pupunta? Aalis na tayo." Aniya ni daddy.
Tiningnan ko ang asawa nitong diretso ang tingin na parang hindi ako nakikita.
"I have something urgently need to do. Mauna nalang kayo doon." sagot kong walang buhay saka nagtuloy na maglakad papunta sa sasakyan ko.
"Kian." tawag ni daddy sa akin na kinahinto ko. "Mag-usap tayo pagdating mo doon."
Hindi ko na ito nilingon pa at agad na dumeretso sa sasakyan ko at pumasok.
"Saan po tayo sir?" tanong ni Harvey.
"Balik tayo sa office." utos ko.
Pagkarating namin ay agad kong tinawagan si Rico pero wala parin daw si Via. Unattended parin siya.
"Sir. Mukhang dito dumeretso si Via." imporma ni Harvey saka pinakita ang nasa cellphone niya.
"Pumunta tayo dito." Utos ko na agad na ginawa ni Harvey.
Nagtanong kami sa mga pulis doon pero walang nakapansin kay Via. Tiningnan din namin ang CCTV footage nila pero walang Via na nakita.
Lalabas na sana kami ng makasalubong ko si Elthon na mukhang kagagaling sa isang office.
Lumapit agad ito sa amin.
"Kasama niyo ba si Via?" hanap niya sa akin.
"Hindi mo siya kasama dito?" balik ko.
"Hindi. Akala ko nga nandito na siya. Tinawagan niya ako para inconfirm kung ang tita niya talaga yung namatay at nung maconfirm niya ay agad siyang nawala sa linya. Kaya ang alam ko nandito na siya."
Bigla akong ginapangan ng kaba.
"Nasaan ang bangkay?" Tanong ko.
"Kalalabas lang. Idederetso na sa morge."
"Wait. Make a request for an autopsy."
"Ha? Pero base sa mga kasama niya ay nagsuicide daw ito. Nagkulong daw sa CR hanggang sa hindi na daw lumalabas. Nagulat nalang daw sila kinabukasan ng makitang walang buhay nito."

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
Fiksi PenggemarSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...