Via
4 years ago
"Ang pangit mo kabonding." singhal sa akin ni Gail nang magbigay ako ng komento sa pang-apat na manliligaw niya.
Paano ba naman kasi, kung sino sino nalang diyan ang hinahayaan niyang manligaw keso siya nalang daw ang NBSB sa aming dalawa. Alam kong mali rin yung ginawa kong pagsagot kay Elthon a month ago. Mag 3 months na kami nextweek pero parang wala lang.
2 years siyang nanligaw sa akin. 5 times siyang nagpaalam na manligaw pero binasted ko hanggang sa naawa ako. Oo, dahil sa awa yung pagpayag kong manligaw siya sa akin. Ang sama ko noh! Ayaw tumigil eh. Nakita ko naman kung gaano siya kaeffort sa lahat. Hindi tumigil kahit ang tagal na niyang nag-aantay. Sinagot ko siya 3 months ago dahil pinagalitan ako ni tita. Pinapaasa ko daw yung tao. Paanong pinapaasa eh 5 times ko nang binasted pero nandiyan parin siya. Pinakita ko naman na ayaw ko. Hindi pa ako handa. Nagmomove on pa pero andiyan parin at nangungulit. 2 years siyang nag-antay pero hindi parin sumuko. Naappreciate ko naman yung efforts niya at tyaga pero walang spark talaga sa akin.
Sana lang at matutunan ko rin siyang mahalin. Hindi dahil sa awa. Hindi dahil sa konsensiya. Dahil sa mahal ko na siya. Iyon ang gusto kong makita sa sarili ko na ginagawa ko sakanya. Natutunan naman iyon eh. Hindi ko lang siguro nakita iyon pero susubukan ko ngayon.
2 weeks narin kami ngayon hindi masyadong nag-uusap at nagtatawagan sa phone. Nasa Baguio at nagrereview siya for Bar Exam. Kailangan niya daw makapasa para siya na daw ang magtetake over sa kasong sinimulan ng papa niya 2 years ago.
He requested the court to reopen the case of my parents but they rejected it dahil sa kulang daw ang ebidensyang hawak niya at hindi daw authentic lahat. Attorney Joe tried everything hanggang sa malaman naming na mild stroke siya. Naapektohan ang dila at isang paa niya na hindi niya maigalaw at dila nito na hindi na masyadong maintindihan ang sinasabi.
Doon lumakas ang loob ni Elthon para ipagpatuloy ang sinimulan ng papa niya kahit na hiyang hiya na ako sa pamilya niya lalo na sa papa niya.
Hindi ko naman hiniling o ipinagpilitan sakanila but they insist it. Inaamin ko rin na dahil sa utang na loob ko at awa narin sa tagal ng panliligaw niya kaya ko siya sinagot. Nakokonsensiya ako. Pero susubukan ko nalang siyang mahalin at higitan ang pagmamahal na binigay ko Kian noon.
Wala narin akong balita after nang paghihiwalay namin noon 4 years ago. Ilang taon din akong nagmove at alam kong isa iyon sa kinonsider ni Elthon kaya nandiyan siya lagi sa akin.
"Porket nakaboypren lang ng dalawa eh." bulong niya na rinig na rinig ko naman. "May order, ideliver mo to!" Naiinis na utos sa akin.
Natawa lang ako sakanya.
"Nanghihingi ka ng opinyon tapos pag sinabi ang opinyon magagalit ka?" natatawa kong balik dito saka kinuha ang isang bouquet ng bulaklak na naayos na niya at nakalagay sa box at idedeliver nalang.
"Umalis ka na nga!" Pagpapalayas nito sa akin.
"Bye!" pang-iinis ko lalo.
Lumabas ako at hinanda ang motor na gagamitin ko. Nilagay ko ito sa carrier at sinakayan agad at tiningnan ang address. Malapit lang.
Nilagay ko ang helmet ko at pinaandar at minaneho. Nang makarating ako sa mismong address ay nilibot ko ang paligid. Magkakalayo ang mga bahay bahay dito. Kinuha ko ang box ng flowers na dala ko saka nagdoorbell sa isang gate.
Nang buksan ito ay ngingiti na sana ako sa customer na nag-order nang hindi ko inaasahan ang magpapakita sa akin harapan ko.
"Jarus?" hindi makapaniwala tawag ko sa pangalan niya. Nanunbig agad ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...
