Chapter 66

2 0 0
                                    

Via

Halos hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Ilang taon akong naniwala sa nakita ko na hindi ko man lang tinanong ang totoong relasyon niya sa babaeng iyon.

Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang inis ko sa sarili. Kung inalam ko sana ang totoo noon ay baka hindi kami naghiwalay ni Kian noon.

Sinandal ko ang likod ko sa sofa  a inuupuan ko ngayon sa office niya at tiningnan ang paligid nito.

Mag-isa ko ngayon dito dahil may meeting pa daw siyang pupuntahan at gusto niyang antayin ko siya dito mismo sa office niya. Iyon din naman ang sinabi ni sir Rico sa akin, ang antayin na mapermahan at approved bago ako bumalik sa office.

Tiningnan ko ang orasan ko at may 15 minutes narin ang nakakalipas. Matagal pa kaya siya doon? Marami na sana akong natapos ngayon.

Tumayo ako para maibasan ang nararamdaman kong pagkabored ngayon. Pumunta ako sa table niya at sinilip ang mga naroon. Bubuksan ko sana ang isang folder nang bumukas ang pintuan na agad kong kinaayos at lumayo sa table niya at kunwaring naglilibot sa paligid.

Kunwaring nilingon ko siya.

"Tapos na? Ang bilis naman." Saad ko.

Ngumiti ito sa akin bago sinara ang pinto at lumapit pagkatapos.

"Mabilis? Parang ang tagal nga eh." saka ako niyakap. "Namiss agad kita."

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niya. Parang bumalik lang yung dating inerhiya ng puso ko noong inlove na inlove ako sa taong ito. Nilibot ko rin ang kamay ko sa bewang niya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Minuto lang naman ang lumipas tapos namiss mo agad ako?" tudyo ko pero ngiting ngiti ako nang sinabi ko yun.

"Oo. Parang hindi ko na ata kaya na hindi ka kita makita kahit segundo lang ang lumipas. Gusto kong lagi kitang nakikita, nahahawakan, nayayakap at nahahalikan." bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mabilis akong hinalikan.

Hindi ko maexplain ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Bukod sa bumalik na kami sa dati, ramdam na ramdam ko ang mga emosyong pinapakita niya sa akin. Ang pagmamahal na dating pinagkait ko at sinira ko.

Naramdaman kong pumapailalim ang halikan namin at hindi ko yun inalintanang pinigilan. Bumaba ang dalawang kamay nito sa bewang ko at ang mga kamay ko naman ay tumaas batok niya at doon kumapit. Bumibilis narin ang tibok ng puso ko kasabay ng pag-iinit ng katawan ko sa ginagawa niya. Haplos lang ginagawa niya sa likod ko pero iba na ang binibigay mensahe sa sistema ko.

Sa katunayan ay baka parehas na kami ng gustong mangyari ngayon pero wala naman kami sa tamang lugar para gawin iyon. Ako na ang unang tumigil at kinatitigan siya. Kailangan ko munang magpigil at trabaho muna.

"Permahan mo na itong mga dinala ko para matapos ko narin ang mga naiwan kong ginagawa sa office." Nakangiti kong pakiusap dito.

"Later love." sagot niya at hahalikan muli sana ako ng may kumatok sa pintuan na kinatingin namin doon at agad kong bitaw dito.

Nahalata ko ang pagkainis ng mukha niya at masamang lumingon ito sa pintuan ng pumasok ang secretary nito.

Nagulat ito ng makita ako at agad yumuko.

"Sorry po. Akala ko po wala na si Ms. Morales kaya pumasok nalang po ako." paliwanag niya. "Lalabas po muna ako."

"Hindi na." Pigil ko na kinatingin sa akin ni Kian. "Aalis nadin ako."

"Hindi ko pa napepermahan yung mga dinala mo. Hindi ka pwedeng bumaba." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Paano niya alam na hindi ako pwedeng bumaba na hindi ko dala dala ito.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon