Via
"Anong balita kahapon?" usisa ni Adelfa sa akin ngayon.
Talagang inantay pa ako kinaumagahan na dumating. Halos ayaw ko na ngaring bumangon kanina dahil alam kong ganito ang sasalubong sa akin.
Hindi na nga ako bumalik kaagad kahapon at inantay silang makaalis lahat ay ganito naman ang bubungad sa akin kaumagahan.
"Ah-eh ... w-wala kasi si boss kahapon. Oo. Wala siya." pagsisinungaling makahanap lang ng lulusutan. "Kaya inantay ko hanggang sa dumating siya."
"Pinapasok ka niya?" Agad na tanong nila.
"Ha? Kwan, kinuha ng secretary niya at sabi ko na ... babalikan ko at ... at may bibilhin lang ako sa caf."
"Tapos?"
"Tapos pagbalik ko ay napermahan na niya. Kaya hindi ako nakapasok." lusot ko. Nakalusot naman kaya?
Halos hindi ko mapinta ang mukha nilang parang nagdududa sa kwento ko. Bahala na silang maniwala.
"So ibig sabihin hindi ka parin nakapasok sa office niya." at humalukipkip si Adelfa na nakangisi sa akin.
Parang alam ko na pinapahiwatig nito ah.
"Hindi lang nakapasok kasi wala siya. Nag-insist din akong doon nalang sa labas kasi masyadong malamig at mabango sa loob."
"Naamoy mo?" agad na tanong niyang hindi makapaniwala.
"Ha?" bigla kong naalala iyong amoy niya noong nagkita kami at magkalapit sa isa't isa. "Oo." Sambit ko.
"Buti ka pa naamoy mo." Naiinggit na turan ng isa.
"Pero hindi ka parin nakapasok. Kaya sa akin parin ang sweldo mo." Aniya ni Adelfa.
"Hindi pa ba sapat yung paliwanag ko? Wala si boss kahapon. Pumunta ako ng caf at pagbalik ko napermahan na. Ano pang papakayin ko sa loob aber?" paliwanag ko na purong kasungalingan naman.
"Hindi ka parin nakapasok. Iyon ang usapan natin kahapon diba? Period." saka niya ako tinalikuran at bumalik sa cubicle niya.
"Grabe naman si Adelfa. Napapagkamalang mukhang pera talaga." Sambit ni Heidi na nakaassign sa accounting. Tumingin siya sa akin. "Kaya alam mo na next time. Walang pinapalagpas iyan basta pera ang pinag-uusapan." babala niya sa akin. Bumalik ito sa pwesto niya at mabigat naman akong umupo office chair ko.
Iniisip ko palang na wala akong matatanggap ngayong buwan ay parang nanghihina na ako. Matalim kong sinilip pababa si Adelfa ngayon na ngiting ngiti sa ginagawa.
Nakakainis. Maling mali talaga ako. Isa rin yung Kian na yun. Kung pinapasok niya lang sana ako edi hindi mawawala yung sweldo ko. Humanda siya pag nagkita kami.
Nang matapos kong trabahuin ang pinagawa sa akin ay nagpasya muna akong magneryenda ng makaramdam ng gutom. Nagtanong naman ako kanina kung may ipapaencode pa pero wala pa naman daw. Ilalagay nalang daw sa table ko kung meron na.
Nang makabili ako ng sandwich at juice sa caf ay dumeretso ako sa isang bakanteng upuan at doon kinain ang pagkain ko. Habang nag-iscroll ako sa social media ko ay may biglang umupo sa tapat ko. Binaba ko ang cellphone ko ng makilala ito.
"Sino kachat mo? Boyfriend mo?" Sabay kagat sa apple na hawak niya.
Inirapan ko siya saka binalik ulit ang mata sa cellphone ko.
"Bakit ka andito? Parang ang hayahay ng trabaho mo ah." saad ko.
"Hindi ba pwedeng kumain muna bago magtrabaho?" Saka sumubo sa mula sa pagkain niya.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...