Via
"AHHHHHHHH!!!"
"Iyak mo pa nang mamaga ang mata mo bukas sa klase." Panakot sa akin ni Gail habang may binabasa itong libro.
Mula sa pagkakadapa ay bumangon akong umiiyak parin. Ang sakit sa dibdib na hindi ko mailabas sa harap niya ang galit at inis ko.
"Nasa labas pa siya. Baka gusto mong harapin. Kawawa naman at hindi pa umaalis mula kanina." pakonsensiya sa akin ni Gail.
"Via?" tawag ni mama sa akin. "Papasukin ko na si Kian diyan at makapag-usap kayo." paalam ni mama at nakita kong bumukas ang pinto na agad kong kinuha ang kumot at pinangtakip sa katawan hanggang ulo.
"Mauna na ako ha?" paalam ni Gail sa akin. "Kian, usap lang ha?" bilin naman niya dito na parang may iba pang gagawin. Baliw talaga.
Nang makalabas si Gail ay sumunod naman ang paglubog ng gilid ng kama. Maya maya ay naramdaman kong may tumabi sa akin.
"Love." Endearment sa akin kapag nanunuyo. First name naman kapag sa public at kompletong pangalan kapag galit.
Hindi ako umimik. Hindi ko rin sinasagot. Kapag ganito ako sakanya, hindi narin siya iimik. Aantayin niya nalang hanggang sa kumalma at ako na mismo ang lalapit o kakausap sakanya.
Umabot ng ilang minuto ay hindi ko parin ito hinaharap. Alam kong nasa tabi ko parin siya at hindi pa siya umaalis. Bahagya kong binaba ang kumot at sinilip siya sa likod ko. Napaawang ako ng makita na itong tulog sa tabi ko.
Maingat akong humarap at humiga muli na kaharap siya. Medyo nakanganga pa itong natutulog at parang pagod na pagod ang itsura tapos pinagod ko pang nag-antay sa akin. Kawawa naman ang boyfriend kong ito. Pinapahirapan masyado ng katulad ko.
Kinumot ko sakanya ang kumot kong gamit. Mahimbing na itong natutulog at medyo humihilik nadin. Napangiti ako. Magaan ko itong hinalikan sa pisngi at hinaplos. Malalim na talaga ang tulog at hindi na ako maramdaman.
Ako na ang bumangon at lumabas. Napatingin si papa at mama sa akin.
"Nasaan si Kian?" tanong ni papa.
"Nasa loob. Nakatulugan ang panunuyo sa akin." saad ko.
Agad sumilip si mama at papa sa kwarto ko.
"Paniguradong pagod ito sa pag-aaral. Napansin ko rin kaninang inaantok na at babagsak na ang mata pero pinipigilan lang." kwento ni mama.
Natahimik ako.
"Tapos pinanunuyo mo pa. Kawawa naman ang magiging manugang namin sayo anak." saad ni papa.
"Talaga sa akin pa talaga pa?" Sagot ko na kinatawa sa akin at akbay.
"Oo. Tsaka nadadaan yan sa magandang usapan at hindi yung lalayasan mo siya at hindi kayo mag-uusap ng ilang oras o araw. Tandaan mong hindi sa lahat ng oras maiintindihan ka niya. Gaya ngayon, nakatulugan kamo tapos tampo ka ng tampo eh pagod pala ang tao."sermon ni papa.
Hindi ako nakapagsalita. Kung sabagay ay talagang totoo rin ang sinasabi ni papa. Sa sobrang inis ko sa mga narinig kanina ay hindi ko na siya pinakinggan. Mali pala iyon. Dapat mag-usap talaga.
Bumalik muli ako sa kwarto at mahimbing parin itong natutulog. Lumapit ako sakanya at pinagmasdan siya. Tiningnan ang bawat korte ng mukha, ilong, pilik mata at ar kilay. Sobrang perfect sa paningin ko na para bang wala nang hihigit pa doon.
Sa ilang minuto kong paninitig sakanya ay hinila rin ako ng antok. Nakaupo ako sa sahig habang ang ulo ay nakapatong sa dalawang brasong nakapatong din sa kama habang kaharap siya.
Hindi ko namalayan ang oras at naramdaman kong may humahalik nalang sa pisngi ko at humahaplos doon. Naalimpungatan ako at napamulat ng mata. Namilog ang mata at biglang bangon ng mapagtantong nakatulog pala ako sa tabi niya.

BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfikceSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...