Via
Halos mapahawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang pagkahilo ko at kaunting pagkirot nito ng maanigan ko liwanag na tumatama sa akin.
Tumagilid ako ng higa pero agad akong nagulat ng bigla akong mahulog mula sa kama na noo ko pa ang unang tumama sa sahig na kinadaing ko.
Narinig ako sa labas na agad na kinaalerto nilang pumasok sa kwarto ko at nadatnan nila akong nakadapa.
"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Mayne nang lapitan ako at tinulungang bumangon.
Ang bigat ng ulo ko. Napahawak pa ako sa noo ko ng maramdaman ang sakit nang pagkauntog nito.
Agad akong napatayo ng bumaliktad ang sikmura ko at tumakbo sa CR para magsuka. Halos ilabas ko lahat ng laman ng tiyan ko at nang wala na akong mailabas ay naghilamos at nagmumog.
Halos mapakapit pa ako sa gilid ng lababo ng makaramdam ako ng hilo at kirot ng ulo ko. Napahawak ako dito.
"Okay ka na?" tanong ni tita sa likod ko.
"Anong nangyari?" tanong kong hinang hina at halos hindi ko maalala kung ano ang nangyari kagabi.
"Wala kang maalala?" tanong ni tita sa akin. "Hindi mo alam na naglasing ka kagabi?"
Alam kong naglasing ako kagabi pero hindi ko maalala kung paano ako nakauwi.
"Alam ko po pero hindi ko alam kung paano ako nakauwi." sagot ko at dahan dahang lumabas ng CR at umupo sa kama.
Pilit kong inalala ang kahapong buong ginawa ko. Mula sa school hanggang sa pumunta ako kina Kian. Lumiwanag ang ala ala ko kahapon. Ang rason bakit ko naisipang maglasing at pumunta ng bar.
Niyuko ko ulo ko na parang bumalik ulit yung sakit. Hindi na ako umimik.
"Hinatid ka ng isa daw sa mga kaibigan mo. Lalake. Hindi ko natanong ang pangalan pero gwapo at matangkad. Maputi at mukhang type ka." Hayag ni tita.
Taka ko siyang tiningnan.
"Sino?" Si Kian kaya naghatid sa akin? Impossible. Kilala ni tita si Kian.
"Hindi ko nga kilala. Pasado 2am na ng madaling araw Via, naharap ka pang ihatid ng gwapong binatang iyon dito. Naku Via ha. Kailan mo pa natununan ang paglalasing mong yan?" Patuloy na sermon ni tita na halos hindi ko narin maintindihan dahil taliwas ito sa taong inaasahan ko ang naghatid sa akin.
Doon ko naalala. Baka si Elthon ang kanina pa niyang nilalarawan.
Dahan dahan akong tumayo na kinaalalay naman sa akin ni Mayne palabas ng kwarto. Tiningnan ko agad ang oras at pasado 8 na. Malelate na ako sa klase ko.
Binigyan ako ng soup ni Mayne at hinigop iyon. Nahimasmasan ako na para bang nagising ang diwa ko. Inubos ko iyon at nang tatayo na ako ay nakaramdam ako ng hilo at napakapit sa sandalan ng upuan. Bumalik ako sa kwarto at naligo at nagbihis.
"Saan ka pupunta?" taka ni tita habang nilalaro si baby Lily.
"Sa school po." imporma ko.
"Baka magsuka ka sa labas. Hindi pa natatanggal ang hang over mo." sermon ni tita.
May kaunting hilo pa talaga ako ngayon pero kakayanin. Nailabas ko naman na lahat.
Pagdating ko sa school ay tumambay muna ako sa canteen at bumili ng malamig na tubig. Ayaw pa ng sikmura ko ang kumain at may kaunting hilo pa at medyo nanghihina.
Nang malapit na ang next class ko ay tumayo na ako at lumabas na ng canteen. Umastang ayos lang at walang nangyari. Hindi ko rin maiwasan na mapatingin sa mga studanteng may partner at kasama nila ang boyfriend or girlfriend nila dito sa school. Hindi ko alam pero parang ang bitter ko. Naiinis ako.
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...