Chapter 29

4 0 0
                                        

Kian

"Kian, kian!" halos mapaigtad ako at gising sa katinuan ng mapagtantong tinatawag ako ni mama.

"Bakit ma? May kailangan ka?" agad kong tanong.

Kumunot ang noo nito sa akin na parang naninibago sa kinikilos ko.

"Ayos ka lang? Parang ang bigat ng iniisip mo." pansin niya sa akin.

"Wala to ma. Napagod lang siguro."  saka kinamot ang sintido ko. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko sa mesa at pasado 9 na.

Minessage ko si Via kung nakauwi na pero wala pa siyang reply. Kung ano ano na ngayon ang nasa isip ko. Magkasama sila ni Jarus ngayon. May parteng naiinis ako. Dapat hindi ko siya hinayaan kanina. Dapat hindi ako ang unang umalis. Mali. Wrong move ka Kian.

"Para kang may inaantay nak." nilingon ko si mama na ngayon ay inaayos ang hinigaan.

Lumapit ako sakanya at inalalayang makababa sa higaan niya.

"Wala po ma. Tiningnan ko lang po ang oras." Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito.

"Anak." tumingin agad ako kay mama. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Anong nasa isip mo." panghihikayat niya sa akin. "Gusto kong malaman anak."

Tiningnan ko si mama. Huminga ako ng malalim.

"Ma ... "

"Lianee!" napalingon kami bigla sa kararating na tumawag kay mama. Nag-iba agad ang reaction ko ng makita ko siya. Nagising ang galit sa loob at kumuyom ang kamay ko. Lalapit na sana ito ng bigla kong harangin.

"Anak." agad na awat sa akin ni mama.

"Kian. Gusto ko lang kamustahin ang mama mo."

"Para saan? Hindi ka naman obliga sakanya para kamustahin siya." bitaw kong salita.

"Kian!" muling awat ni mama. Hinawakan niya ako sa braso. "Anak, please." pakiusap ni mama sa likod ko. Nilingon ko siya at nakitang naluluha na ito. Tiningnan kong muli ang magaling kong ama. Nakatayo lang ito sa harap ko at nagmamakaawa rin ang mukha.

"Alam kong galit ka parin sa akin anak, pero sana ay bigyan mo ako ng pagkakataong bumawi naman sa iyo at sa mama mo."

Pait akong ngumisi.

"Bumawi?" tiningnan ko siyang may pagkamuhi. "Sana noon mo pa yan ginawa. Aantayin mong may mangyayari pa sa amin bago mo sabihin yan."

"Kian please." Awat muli ni mama na ngayon ay umiiyak na.

Alam kong mali ang ilabas ko ang galit ko sa harapan nila pero minsan, kapag puno, kailangang bawasan din.

Kinuha ko ang phone ko sa mesa at iniwan sila. Baka kung ano pa ang magawa ko sa loob kung mananatili pa ako doon. Narinig kong tinawag ako ni mama pero hindi ko iyon pinansin. Nakasalubong ko si Tito Jeric pagkalabas ko at mukhang papasok siya sa loob.

"Kayo po ba ang nagsabi sakanya?" Seryosong tanong ko ng makalapit siya sa akin.

Kunot noong tiningnan niya ako.

"Sino?" walang kaalam alam niyang balik tanong sa akin. Hindi ako nagsalita at nang mapagtanto ang ibig kong sabihin ay nagsalubong ang kilay niya. "Nandiyan siya?" turo niya sa loob.

Umiwas ako. Ang sumunod kong narinig ay ang pagsara ng pinto. Nasa loob na siya. Kung walang alam si tito, paano niya nalaman na narito si mama.

Kinuha ko ang cellphone ko at may titingnan sana ng mapansin ko ang isang babaeng kakadaan lang. Sinundan ko ito hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto ng Obgyne doctor.

Fated to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon