Isang malamig na hangin at katahimikan ng paligid ang sumasalubong sa akin habang naglalakad ako daan pauwi sa amin.
Nakita ko kung gaano kadalim ang paligid na tanging ang mga street lights lang ang nagsisilbing ilaw sa daan.
Napangiti ako. Sana ganito nalang katahimik lagi. Ganito kaayos at walang gulo sa paligid. Walang away sa bawat tahanan at wala ka ring maririnig na sigawan at murahan. That perfect place I'm aiming is nowhere to be found here.
Kailan ba matatapos ang gulo sa buhay ng tao kung tayo tayo din naman ang gumagawa.
Naagaw ang katahimikan ng may marinig akong sigaw.
"VIA! VIA!" it's my bestfriend gail. Patakbo siyang lumapit sa akin.
"What's wrong?" I curiously asked.
Halos mapansin ko sa mukha niya na mangiyak ngiyak na ito at butil ng pawis ang tumutulo sa noo niya. What's going on?
"Y-yung.. yung ... " I can see how nervous she was.
"Calm down Gail. Ano ba nangyari? Bakit tumatakbo ka?" Taking her in a most calming atmosphere between us.
Pero doon siya mas humagulgol hanggang mapansin ang pagliwanag ng paligid. Dumako ang tingin ko sa isang direksyon at doon ako mas kinabahan.
"Y-yung ba-bahay niyo Via. Nasusunog. Nasa loob s-sila tita at t-tito." she stuttered.
I froze. My mind went blank. I can't think properly what to do. I don't know! I can hear the voice of my mom and dad asking for help. The next thing I knew, I was running. Running ahead hoping that I can still save them. But it's too late!
Malaki na ang apoy that no one even tried to near it! The only thing that pop into my mind is to save them. They even stop me but I ignore them.
"Wala na tayong magagawa iha! Malaki ang apoy!" Tito William said, the father of Gail.
"No! There's another way to save them." My eyes get blurry now. I can feel the tears building up in my eyes.
"Huwag na iha. Baka pati ikaw madadamay pa diyan!" pigil ni tito pero di ko iyon pinansin at naghanap ng pwedeng papasukan sa bahay.
"VIA!" sigaw nilang rinig ko pero hindi ko iyon pinansin.
Hindi ko tanggap na mawawala nalang basta basta ang dalawang taong kumumpleto sa pagkatao ko. Bumuo sa akin bilang ako at tinugunan ang pagmamahal simula bata ako. Alam kong hindi nila ako tunay na anak pero hindi ito rason para hayaan ko silang mamatay na hindi ko man naibabalik ang paghihirap nila sa akin.
I was in pain thinking those memories we have. Those happiness visible in their faces. Those genuine smiles that no one can ever replace it. Those love that only them can give.
I hate seeing myself na wala man lang akong magawa to save them. I was still in hurry searching for possible things that will help me going inside.
Nakakita ako ng kumot sa kapitbahay na nakasampay at agad kong kinuha iyon at binasa sa isang drum sa gilid nito.
Binalot ko ito sa buong katawan ko at nagsilbang harang ko sa apoy nang pumasok ako.
Naririnig ko parin ang tawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin dahil ang focus ko ngayon ay ang maligtas ang magulang ko. Ang magulang na hindi pinaramdam sa akin na iba ako sa kanila.
Ingat akong pumasok kahit napapalibutan ako ng sobrang init at umaalingawngaw na usok. I roamed my eyes nang makapasok ako sa sala.
"Mama! Papa!" I shouted for them to hear that I'm here to rescue and save them but no one responded.
Where are they? Pumunta ako sa kwarto pero halos masuffocate na ako sa usok at tinakip ko ang kumot sa ilong ko.
Before I could open the door, isang matigas na bagay ang bumagsak sa akin mula sa taas!
Napabangon ako ng di oras. Pawis ang buong mukha ko na parang naghahabol ako ng hininga. Dreaming that happening again 5 years ago makes me more in pain. Napayakap ako sa paa ko at sinandal ang ulo ko sa tuhod ko at doon ako humagulgol ng iyak.
Wala akong nagawa para iligtas ang magulang ko. Hindi ko sila naligtas. Napakafresh pa sa isip ko at parang kahapon lang nangyari.
Lumabas ako ng kwarto ng mahimasmasan ako. Dumeretso ako ng kusina at nagsalin ng tubig sa baso at ininom ito.
Kumuyom ang kamay ko nang maalalang napabayaang niluluto ang sanhi ng sunog. Halos nga hindi maiwan ng mama ko ang niluto niya tapos sasabihin nilang napabayaang niluluto?
Doon ako napaisip na there's something on it. Ako ang mas nakakakilala sa magulang ko. Kung hindi ako matutulungan ng mga awtoridad, ako mismo ang maghahanap para sa sarili kong kasagutan. Gusto ko ng hustisya at ipakulong ang taong may sala.
Kinabukasan ay dating gawi parin ako sa araw araw. Papasok sa trabaho para makaipon. I finished Business Management pero andito ako ngayon at nakihati sa negosyo ng bestfriend ko.
"Via, pakiayos ang mga bulaklak na bagong dating." utos ni Gail.
May pinatayo siyang flower shop 2 years ago at gusto niya na ako daw partner niya sa business since business graduate ako. Hindi ko iyon pinalagpas since opportunity rin naman.
"May order ba tayo?" tanong ko since puro halos online na ngayon kung mag order ang tao. Ewan ko ba. Nagiging tamad nadin ang tao.
"Meron. Malapit lang naman sila dito. Nasa notebook yung name nila."
sagot niya habang nakatingin sa magazine na hawak niya."Ok." tanging sagot ko.
"Via. Naalala mo pa tong Del Valle Corporation?" Gail asked.
Napatigil ako sa pagbubukas ng balot ng mga bulaklak ng marinig ko ang pangalan ng Corporation. Sino ba ang hindi makakakilala diyan eh apilyedo palang abot na hanggang ibang bansa. Their influence and last name got their popularity kaya mas lalong sumikat ang pangalan ng Corporation nila.
"Ofcourse! Sinong hindi makakakilala diyan?" I sarcastically answered her.
"Look oh! May bagong taga pag mana ng position ni Sir Del Valle. Sabi dito, he was an illegitimate son pero ngayon lang ipapakilala. Siguro dahil no choice na rin. Hindi rin nilagay ang pangalan at picture." kwento niya na habang nilipat ang ilang page na mukhang hinahanap ang dagdag information sa nabasa niya.
"Really? May ibang anak pa pala siya maliban sa pamilyang meron siya?" I smirked. Hindi ako galit. Pero naiinis ako sa pamilya nila.
Yes! They helped me financially pero hindi yun ang kailangan ko. Tinulungan pa nila ang korte na madrop ang kaso dahil sa lintik na rason na napabayaang niluluto.
Kumuyom ang kamay ko ng maalala ko yun.
"My Gosh Via! Guess what! Yung illegitimate na bagong tagapagmana sa Del Valle Corp ay yung ex mo nung highschool at first year college!" gulat na banggit ni Gail sa akin at doon ako napalingon.
"Si Kian James Crisanto. He is a Del Valle!"
BINABASA MO ANG
Fated to be Yours
FanfictionSa paghahanap ni Via ng hustisya para sa nilakihang magulang ay malalaman niyang ang dating kasintahan na si Kian na minahal niya noon ay tagapagmana pala ng pamilyang plinaplano niyang sirain. Kaya niya kayang ituloy ang nasimulang plano o hahayaan...